Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-4 na labas

“Tapos sumuko ka na?…at sinuko mo pati ang kakambal ko?…Okay, one more question, wala na bang natitirang pagmamahal diyan sa puso mo para sa kanila?”

Hindi agad nakakibo si Conrad.

“Mahal ko ang mommy mo, at mahal ko rin ang kakambal mo…”

“Okay kung gano’n ito na siguro yung tamang panahon para maging buo ulit ang pamilya natin!”

“Hindi gano’n kadali ‘yon Lucy…”

“Dad, what’s wrong with you, kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo, bigyan mo sila ng espasyo sa buhay mo, dapat nga noon mo pa ginawa e!”

“Marami ka pang hindi naiintindihan tungkol sa pinagdaanan namin ng mommy mo.”

“I know dad, pero sana maintindihan mo rin na nasasabik din ako sa ina at kapatid ko na ipinagkait mo sa’kin sa loob ng mahabang panahon!” pagkasabi niyon ay tumayo si Lucy at iniwan ang ama sa mesa.

“LUCY!” Habol na sigaw ng ama.

Handa na ulit bumalik sa Maynila si Luisa. Inaayos na niya ang mga gamit niya nang lapitan siya ng ina.

“Luisa, gusto kong sumama sa’yo, gusto kong makita ang kapatid mo…”

“Nay alam ko pong nasasabik na rin kayo, pero hayaan nyo muna pong ako muna ang humarap sa kanila, gusto ko munang masiguro na magiging maayos ang pagkikita nyo bago ko kayo isama sa kanila. Ayoko lang po kasi na masaktan ulit kayo kung hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo tanggap ng ina ng ama ko…o mismong ng ama ko…at ni Lucy…”

“Naiintindihan kita anak…pero, pa’no ka? Pa’no kung hindi ka rin nila tanggapin?”

“Wag po kayong mag-alala nay, kaya ko po ang sarili ko, at ihahanda ko na rin ang sarili ko sa posibleng pagtanggap o hindi nila pagtanggap sa’kin…”

“Sige kung ‘yan ang desisyon mo, basta mag-ingat ka at balitaan mo agad ako, tatawagan rin kita anytime na magawa na ang telepono ni Aling Mameng.”

Kinuha ni Luisa ang sariling cellphone at inilipat sa kamay ng ina.

“Iiwan ko ito sa inyo nay, ako na lang po ang makikitawag doon kasi marami naman akong mahihiraman ng cellphone do’n o kaya bibili na lang ako ng mumurahin, mas kailangan nyo ‘to dito para anumang oras ay makokontak ko kayo, basta po lagi nyo lang itong ilagay sa bulsa nyo at kailangan hindi siya ma-lobat para masagot nyo agad ang tawag ko.”

“Sigurado ka ba?”

Tumango ang dalaga.

Related Posts

“O sige, hihintayin ko ang tawag mo.”

Habang nakaupo ng pasalampak sa sofa ay panay tingin ni Lucy sa phone niya.

“Hay kailan ba tatawag ang babaeng ‘yon? Gusto ko na siyang makausap…tumawag ka na please?…tumawag ka na…”

Nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

“O Migz, bakit? kakatawag mo lang kanina ah?”

“I’m sorry hon, every minute kasi namimiss kita eh!”

“I know, but I’m tired na, gusto ko ng magpahinga.”

“Gano’n ba…gusto ko pa naman sanang makipagkuwentuhan sa’yo…o sige na, goodnight na honey, I love you, sweet dreams…”

“Okay, ‘nytie!”

Inis na ibinaba ni Lucy ang phone niya nang bigla ulit itong mag-ring.

“Pwede ba Migz stop annoying me! Hindi ka na nakakatuwa!”

“H-hindi ako si Migz…”

“Ha?” muling sinulyapan ni Lucy ang phone at ibang number na nga ang nakarehistro doon.

“Okay I’m sorry sino ka ba?”

“Ako si Luisa. S-si Lucy ba ‘tong kausap ko?”

“Luisa? Yung kamukha ko right? Yes it’s me Lucy!”

“Pwede ba tayong magkita?”

“Sure! Actually hinihintay ko talaga na kontakin mo ko, gusto rin kitang makausap!”

“Okay, magkita tayo sa mall kung saan tayo nagkita, kung pwede umaga?”

“You know what, mas okay kung sa isang restaurant tayo magkikita, malapit lang din do’n, sa harap lang mismo ng mall, and hindi ako pwede ng umaga kasi may work ako, tonight 7pm sharp, is that okay?”

“Okay…” (Itutuloy)