Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Huling labas

“Nadaanan ko ‘yung sirang kotse niyo na ina­ayos ni manong, sinabi niya sa akin kung saan ang lakad mo. Ang lakas din naman ng loob mo, delikado kayang nagsosolo ka sa sementeryo.”

“Salamat sa concern mo.”

Pinaandar na ni Migz ang sasakyan. Habang namamagitan sa kanila ang katahimikan ay kapwa panay ang nakaw ng sulyap ng dalawa sa isa’t isa. Hindi man bumuka ang mga bibig para sabihin ang nasa sa loob ay ipinagkakanulo naman ng mga mata nila ang tunay na nilalaman ng kanilang damdamin Nang bigla ay isang van ang biglang sumulpot sa way nila at bumangga sa kanila.

Habang kapwa sakay ng stretcher at duguan patungo sa emergency room ay pilit inaabot ni Migz ang kamay ng dalaga. Ikinawit niya ang daliri sa daliri nito.

“L-Luisa, mahal ko…kapit lang ha…” mahina nitong sabi.

Marahan namang tumango ang dalaga bilang tugon kasabay ng pagtulo ng luha sa mata nito bago tuluyang nawalan ng malay.

Dumating si Lucy sa ospital kasama ang ina. Labis itong nag-alala sa kakambal at gayundin kay Miguel.

Pero sa awa naman ng Diyos ay nalagpasan ni Luisa ang trahedyang iyon. Si Lucy ang namulatan niyang nagbabantay sa kanya sa silid ng ospital.

“Luisa, buti’t nagising ka na! Si nanay lumabas lang sandali para kausapin ng doctor. Ano kumusta ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?” natutuwang sabi ni Lucy.

Sumilay ang mga tipid na ngiti sa labi ni Luisa.

“Pakiramdam ko ligtas na ligtas na ako,” sabay tingin nito sa isang bouquet ng bulaklak na naka­patong sa side table ng kama niya. Napatingin din doon si Lucy kaya kinuha nito ang bulaklak at inilapit sa kakambal.

“Ang sabi niya magpagaling ka raw, at alam mo bang halos hindi na siya umaalis sa chapel sa kakahiling na maging­ okay ka na rin tulad niya?”

“S-si Miguel?”

“Sino pa ba, eto nagpabili pa nga siya ng bulaklak para sa’yo, ‘pag naamoy mo raw ito baka magising ka na, at siguro nga tama siya, may scent yata ng pag-ibig ito eh!” biro pa ni Lucy.

“Lucy…” may pag-aalala sa tinig ni Luisa.

“Okay na’ko… ‘wag mo na akong alalahanin…nang malaman kong naaksidente kayo ni Migz, na-realize ko kung gaano kaikli ang buhay, na pwedeng ngayon or bukas ay mawala ang mga taong mahal mo kaya dapat hangga’t nasa tabi mo sila, pahalagahan mo na…siguro iyon ang ‘di ko nagawa noong kami pa ni Migz kaya nabaling ang pagmamahal niya sa’yo. Pero tanggap ko na, na kayo ang para sa isa’t isa, siguro ako lang ang ­naging way para pagtagpuin ang landas niyo.”

Related Posts

Hinawakan ni Luisa ang kamay ni Lucy.

“Salamat, Lucy…”

Siyang dating naman ni Migz na naka-wheelchair pa.

“Luisa!” nangislap ang mga mata nito nang makitang gising na ang dalaga.

Nagpaalam na muna si Lucy para makapag-usap ang dalawa.

Agad hinawakan ni Migz ang kamay ng ­dalaga.

“Luisa, this will be our second chance in life…sana ito na rin ang second chance natin para sa isa’t isa, binigyan na ako ng permiso ni Lucy na mahalin ka, permiso mo na lang ang kailangan ko.”

“Tama si Lucy, maikli ang buhay, kaya ‘wag na nating patagalin ‘to, sinasagot na kita!”

Nagulat pa si Luisa nang biglang isuot ni Migz ang isang singsing sa daliri niya na dinukot mula sa bulsa nito.

“Teka, may sing­sing agad?” nagtatakang tanong ng dalaga.

“Nagmamadali rin yata si God eh, kasi nakapulot ako ng singsing sa chapel, wala namang ibang tao ro’n kanina kundi ako lang kaya malamang si God ang nagbigay sa’kin nito para isuot sa’yo at ipangakong magiging tapat ako sa pag-ibig natin sa lahat ng oras.”

“Wow! God gave me you talaga!” nakangiting sabi ni Luisa habang tinitingnan sa daliri niya ang singsing na may makinang na bato sa gitna na korteng puso.

Iniangat ni Migz ang sarili mula sa wheelchair paupo sa gilid ng kama ni Luisa para mayakap niya ito.

“I love you, Luisa…”

“I love you too, honey­…” biro ng dala­ga sa pagtawag nitong honey na dating tawag ni Migz kay Lucy.

“No, ‘wag na ‘yan, sweetheart na lang o kaya mahal ko!”

“Okay, I love you too, sweetheart…”

Pagkarinig niyon, isang masuyong halik ang iginawad ni Migz kay Luisa. Tanda ng isang wagas na pag-ibig. (Wakas)