Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-33 na labas

“Anak, anong balak mo?” tanong ni Aling Lore kay Luisa nang malaman nito ang hindi pagkakaunawaan ng kambal. Dalawa lang silang kumakain ng hapunan dahil nasa trabaho pa si Lucy.

“Babalik po ako sa London…”

“Nang hindi pa kayo nagkakaayos ng kapatid mo?”

“’Nay sa tingin ko pareho naming kailangan ng space.”

“Hindi ako naniniwala diyan, ang kailangan niyo ay magkausap ng masinsinan at magkapatawaran para matuldukan ang problema…”

Hindi nakakibo si Luisa. May punto naman ang nanay niya. Hindi maaayos ng muli niyang paglayo ang problema nila.

Isang pasya ang napagdesisyunan ni Luisa. Sinuyo niya ang kapatid. Ipinagluluto niya ito, dinadalaw sa office, inalagaan nang magkasakit ito dahil sa pagsubsob ng sarili sa trabaho.

Habang ginagawa niya ang mga bagay na ito para sa kakambal, tulad niya ay wala ring balak sumuko si Migz. Daig pa nito ang stalker na nakasunod sa kanya maski saan siya magpunta.
Hanggang sa simbahan.

“Hanggang dito ba naman Migz?” ani Luisa na ang mga mata ay nasa altar.

“Kahit sa impyerno ka pa magpunta nasa tabi mo pa rin ako…”

Related Posts

“Hangga’t hindi pa kami nagkakaayos ni Lucy, mananatiling sarado ang puso ko.”

“Handa akong maghintay, ang sabi nga nila true love waits…”

Napatingin si Luisa sa binata. Tumingin din ito sa kanya.

“Sumusumpa ako sa harap ng Diyos, ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay…” seryosong sabi ni Migz.

Muling inilipat ni Luisa ang tingin sa altar. Deep inside ay gusto rin niyang sumumpa sa harap ng Diyos na ang binatang ito sa tabi niya ang siya ring magiging laman ng puso niya anuman ang maging ending ng love story nila.

Makalipas ang isang buwan. Mag-isang dumalaw si Luisa sa puntod ng ama.

“Tay, sorry ha… sorry kung hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin si Lucy… pangako ko sa’yo ‘tay hindi ko siya pababayaan, iingatan ko siya tulad ng pag-iingat mo sa kanya sa mahabang panahon na kayong dalawa lang ang magkasama… aalagaan ko siya sa lahat ng paraan na kaya ko… meron lang po sana akong hihili­ngin… sana po tulungan niyo kaming magkaayos, sana gabayan niyo kami sa tamang daan para matagpuan ulit ang isa’t isa…”

Matapos kausapin at dasalan ang ama ay tumayo na si Luisa. Nagsimulang pumatak ang ulan. Papalakas ito nang papalakas wala pa naman siyang dalang payong at wala rin siyang dalang sasakyan. Nasiraan kasi sila kanina ng driver nila kaya nag-commute na lang siya patungo sa sementeryo.

Dahil malayo pa ang waiting shed at malayo-layo rin ang nilakad ni Luisa palabas ng sementeryo kaya hindi niya naiwasan ang mabasa. Nagulat na lang siya nang hintuan siya ng isang kotse.

“M-Migz?”

“Sakay na!”

Napilitan si Luisa dahil basang-basa na rin siya. Nang makaupo sa loob ng kotse katabi ni Migz na nasa manibela ay hinubad ng binata ang suot na jacket at inilipat sa kanya.
“Salamat. Paano mo nalamang nandito ako?” (Itutuloy)