Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-28 na labas

May pumasok sa isip ni Migz. Dahil sa nalulukuban ng galit at sama ng loob ang puso niya ay isang bagay ang naisip niyang gawin.

Isang bagay na sisiguraduhin niyang hindi makakalimutan ng estrangherong babae na kasama niya. Isang bagay na sisiguraduhin niyang pagsisisihan ni Lucy. Pagsisisihan nito ang panlolokong ginawa sa kanya.

Nagising si Luisa sa mga dampi ng halik ni Migz sa teynga niya, sa pisngi, sa ilong at sa leeg.

“MIGZ! Anong ginagawa mo?”

Tinakpan ni Migz ang bibig niya.

“Ssshhh, dati naman natin ‘tong ginagawa diba?” pagsisinungaling ni Migz, kahit ang totoo’y wala pa talagang nangyayari sa kanila ni Lucy dahil sa respeto niya dito.

Dahil sa sinabi ng binata ay tila sinisilihan naman ang pakiramdam ni Luisa sa mga sandaling maaaring hindi niya matakasan.

“Migz, please, not this time…”

“Don’t worry, naka-locked ang pinto. Just be quiet and I’ll be gentle…”

“No, please?”

“Why? You’re my girlfriend.”

“Please?” muling pakiusap ni Luisa.

Pero isinara na ni Miguel ang teynga niya sa mga pakiusap ng dalaga. Hinawakan niya ang mga kamay nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Pilit namang pinaglalabanan ni Luisa ang tuksong iyon. Tumututol ang isip niya pero sumasang-ayon naman ang puso niya na handang ibigay ang lahat-lahat para sa lalaking minamahal.

Isa-isang inalis ni Miguel ang damit niya. Hanggang sa kahuli-hulihang saplot sa katawan.
“Migz…”

Pinatahimik ni Migz ng mga labi niya ang anumang sasabihin pa ng dalaga. Maalab. Punumpuno ng init. Mga halik na tuluyang pumukaw sa nag-aalinlangang puso ni Luisa. Ang kaninang pagtulak niya sa katawan ng binata palayo sa kanya ay unti-unti na niyang kinabig palapit. Hanggang sa ang yakap ay humigpit. Ang kapit sa isa’t isa ay tila napagkit.

Hindi na napigilan ang mga sarili sa pagkapit sa isang pagkakamali. Pareho silang nakipaglaro sa mga damdaming hindi matiyak.

Ang marahang pag-indayog ay naging mabilis hanggang sa ang langit ay bumaba upang maipadama sa kanila ang kaluwalhatiang dulot ng pag-ibig.

Nabigla si Migz nang malamang virgin pa ang dalaga. Pero ikinubli niya ang pagkabigla.

Napaluha naman si Luisa nang ganap niyang maipaubaya ang pagkababaeng iniingatan niya.

Ang kirot na naramdaman niya ay hindi lang dahil sa unang eksperiyensa kundi pati na rin sa takot na maaaring idulot nito sa puso ng kakambal kapag nalaman nito ang nangyari.

“Masarap ba Luisa?” bulong ni Migz sa teynga ng dalaga matapos ang pag-iisa na iyon.

Nagulantang ang kamalayan ni Luisa nang marinig ang sinabi ng binata. At tinawag siya nito sa pangalan niya.

“Luisa right?” ulit pa ni Miguel.

Hindi makasagot si Luisa. Biglang nanlamig ang mga kamay niya sa sobrang kaba.
Hubad pa ang katawang naupo si Migz sa gilid ng kama.

Related Posts

“Tinawagan ka ni Lucy kanina, ako ang sumagot, at tulad mo nagulat din siya…hindi niya akalain na ako ang makakausap niya sa phone…”

Hindi pa rin makaimik ang dalaga.

“Gaano katagal nyo na akong niloloko?…pwede ko bang malaman kung kailan kita nakasama at hindi?…pwede ko bang malaman ang mga dahilan kung bakit nyo ‘to ginawa?…hanggang kailan nyo balak gawin ito?…” sunud-sunod na tanong ni Migz.

“I-I’m sorry…” ito ang unang katagang lumabas mula sa mga labi ni Luisa.

“Gusto kong marinig ang paliwanag mo, ang mga sagot sa tanong ko Luisa.”

Mabilis na nagbihis ang dalaga bago ito tumugon.

“Nakikiusap siya sa’kin sa tuwing naiipit ang oras niya…maniwala ka gusto ka niyang makasama sa lahat ng oras, kaya lang…”

“Kaya lang busy siya? Kaya lang mas maha­laga ang trabaho niya kaysa sa’kin? Gano’n ba?”

“Miguel, mahal ka ni Lucy, mahal na mahal ka niya, gusto lang muna niyang maabot ang pangarap niya, at hindi niya mapagsabay ‘yon, pero ayaw ka niyang masaktan o mawala sa kanya kaya pinakiusapan niya ko…”

Tumingin si Migz sa mga mata ni Luisa.

“Noong birthday ko, nung birthday ni Michelle, at nung nag-propose ako ng kasal…ikaw ang kasama ko diba?”

Marahang tumango ang dalaga.

“Grabe! Ang tanga-tanga ko! paanong nagawa sa’kin ‘to ng babaeng mahal ko? ano bang akala nyo sa’kin, laruan tulad ng mga toys sa factory nyo? Pinaglaruan nyo ako , at ano?

Pinagtatawanan nyo ako sa tuwing makakalusot kayo?”
“Hindi gano’n Migz…”

“Kung hindi gano’n ano? Ha, ano?” sigaw na ng binata.

Napaurong si Luisa at nagpahid ng luha.

“Kaya pala…kaya pala hindi na niya ako isinasama sa mga family gatherings nila, sa mga okasyon, at ayaw na ayaw rin niya akong nagpupunta sa bahay nila…” nailing na patuloy ni Migz.

“Luisa, hanggang kailan nyo balak gawin ‘to?”

“Maniwala ka Migz, wala na kaming balak ulitin yung mga pagkakamali namin, yung pagkikita natin sa airport hindi sadya ‘yon, papunta talaga ako dito sa London para magtrabaho…pero nakita mo ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tinawagan ko siya…”

“At sinabi niyang magpanggap ka na lang ulit?”

Hindi sinagot ni Luisa ang tanong ng binata. Sa halip…

“Migz, pagkatapos ng gabing ito, wala na talaga akong balak magpakita sa’yo…kaya nga ako nandito sa London dahil gusto ko nang lumayo…kasi ayoko ng makita ka…makasama ka…”

“Dahil nakokonsensya ka na?”

Tumayo si Luisa at bahagyang lumayo sa binata.

“Oo, nakokonsensya ako…nakokonsensya ako lalo na ngayong may nangyari sa atin…hindi ko mapapatawad ang sarili ko…” pagkasabi niyon ay nagmamadaling lumabas ng silid ang dalaga.

Naiwan si Migz sa naguguluhan pa rin.

Kinabukasan paggising ni Miguel ay wala na si Luisa. Maski ang mga kasama nila sa apartment ay hindi namalayan ang maagang pag-alis nito. (Itutuloy)