Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-27 na labas

“Ano?” gulat na gulat si Luisa.

“Hon, boyfriend mo naman ako e, bakit naman sina Jay-ar at Alma magkasama sa iisang kuwarto?”

“Alam mo bumalik ka na sa kuwarto nyo ni Roger, sige na goodnight na!” tinangka ni Luisa na isara ang pintuan pero hinarang ito ni Migz at sa halip ay dire-diretsong pumasok sa loob at nahiga sa kama.

“Promise behave lang ako!” nag-swear pa ito ng kamay.

“Miguel ano ba, bumalik ka na kasi ro’n hindi nga ako sanay may katabi sa pagtulog!” sabay hampas ni Luisa ng unan sa binata.

Pero hindi na sumagot si Migz at nagtulug-tulugan na para hindi na siya paalisin ng dalaga.

Walang nagawa si Luisa kundi ang pikit-matang mahiga sa tabi ng binata. Lalo na siyang hindi nakatulog. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagdantay ng kamay ni Migz sa beywang niya. Marahan niya itong inalis. Pero muli naman itong yumakap na may kasama pang pagdantay.

“Lord, hindi ko na keri ‘to…” sa isip ng dalaga.

Hanggang sa kusang pumikit ang mga mata niya nang hindi na niya napaglabanan ang antok. Hindi na niya narinig ang pagtunog ng cellphone niya na siya namang nagpagi­sing kay Migz.

“Hon, may tumatawag sa’yo…” antok na antok pang sabi ng binata na tinangkang gisingin ang nobya. Pero mukhang mahimbing na ang tulog nito kaya siya na lang ang dumampot ng cellphone.

“Sino ba’to?”

Ang inaantok na diwa ni Miguel ay tila naalimpungatan nang makita ang nakarehistrong pangalan sa phone na siyang tumatawag.

“LUCY?”

Sinagot niya ang phone at pina­kinggan ang boses sa kabila.

Related Posts

“Thank God sinagot mo rin, kanina pa’ko tumatawag sis ah! so how’s the trip? How’s my boyfriend?”

Natigilan si Migz, Napatingin sa tulog na tulog na dalaga.

“Luisa? Hello?”

Wala pa ring tugon mula sa binata.

“Galit ka ba? Okay sorry for what happened, promise babawi ako sa’yo sa ibang pagkakataon.”

Saglit na katahimikan.

“Hello Lucy?…it’s me…Migz…” mahinang tugon ni Migz.

“M-MIGZ?” halatang nabigla si Lucy sa kabilang linya.

“Tulog na siya…and she’s sleeping with me…” naisip sabihin ni Migz dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa mga sanda­ling iyon.

“W-what?” tila maiiyak na ang boses ni Lucy sa pagkabigla at takot sa galit na maaring ibato sa kanya ng nobyo.

“Sino siya Lucy? Sino siya?” mahina pero matiim ang boses ni Migz. Halatang galit.
“Migz, magpapaliwanag ako…”

“Sino ang Lucy na kasama ko?”

“S-she’s my twin…mula sa pro­vince…Migz let me explain!”

Pero hindi na siya pinakinggan ng binata at sa halip ay pinatay na nito ang phone.

Naupo si Migz sa bandang paanan ng dalaga at matamang tinitigan ito.

“I’m so stupid…sabi ko na nga ba may kakaiba, pero hindi ko pinaniwalaan ang kutob ko…napakatanga ko…” sa isip ng binata. (ITUTULOY)