Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 453

Ika-26 na labas

“Luisa, relax, e ‘di pagdating do’n, go ka na kay Aunty Bel and try your best to avoid him, actually, medyo malayo naman ‘yung place ni Aunty Bel sa pupuntahan nilang lugar kaya ‘wag kang mas­yadong mag-worry okay?”

“Hindi kasi ikaw ang nasa kalagayan ko kaya parang madali lang sa’yo ang lahat.”

“You know what, naiintindihan kita, pero hindi ko naman ginusto na magkrus ang landas niyo sa airport eh, God knows, kaya please sundin mo na lang ang sinabi ko.”

Matapos humugot ng malalim na buntong hini­nga ay nailing na lumabas na sa ladies room si Luisa.

Sa eroplano ay magkatabi sa upuan sina Luisa at Migz. Nakatulog ang binata sa balikat ng dalaga na hindi pa rin mapalagay.

“Lord naman, kahit mabigat sa loob kong iwan si nanay at lalo na si tatay na maysakit pinili ko pa ring lumayo alang-alang kay Lucy… pero bakit naman hanggang sa paglayo ko ay kasama ko pa rin ang lalaking ‘to na dahilan ng paglayo ko sa pa­milya ko?…”

Sinulyapan ni Luisa ang nahihim­bing na binata. Ang sulyap ay nauwi sa pagtitig. Ang pagtitig ay nabalot ng emosyon. Emosyon na pumupukaw sa puso niya… sa puso niyang nais umasa… isang pag-asang alam naman niyang ilusyon lang.

“Honey, bago ka pumunta kina Aunty Bel mo, pwede bang dito ka na muna magpalipas ng gabi sa apartment na tutuluyan namin?” request ni Migz.

Nasa harapan sila ng apartment.

“Ano?”

“Don’t worry, ipinagpaalam ko naman sa mga kasama ko eh, at saka ‘di ba sabi mo magbabakasyon ka lang dito, sana bago ka umuwi makapamasyal muna tayo?”

“Migz, trabaho ang dahilan kaya ka nandito, bakit iniisip mo agad mamasyal?”

“Ang kj naman ng honey ko,

syem­pre naman may rest day din kami!”

“Alam mo kasi hinihintay na’ko ni Aunty Bel, alam kasi niya ngayon ang dating ko.”

Related Posts

“Pwede naman natin siyang tawagan eh! Sige na please, saka gabi na nga ‘di ba, delikado, medyo malayo pa ‘yon dito.”

Tiningala ni Luisa ang apartment. Labis ang pag-aalala niya sa mga oras pang lilipas kasama ang la­laking lihim na itinatangi.

Sa huli ay napapayag din siya ni Migz.

“Apat lang kami sa team, ako, si Roger, si Jay-ar at ang gf niyang si Alma. Pwede kayong mag-share ni Alma sa room tutal tatlo naman ang room dito.”

“Ahm, Migz, pwede bang solo na lang ako sa isang room, hindi kasi ako sanay na may katabi sa pagtulog…” bulong ni Luisa kay Migz.

“Sure!”

Ang ending, ang mag-boyfriend na Jay-ar at Alma ang nagsama sa isang kuwarto. Iyon kasi ang gusto nila. Si Roger at Migz sa isa at solo naman ni Luisa.

Kahit anong pikit ang gawin ng dalaga ay ayaw siyang dalawin ng antok. Hindi siya makapaniwala sa mga itinakbo ng pangyayari. Sa haba ng byahe nila ay walang laman puso’t isipan niya kundi si Migz.

Samantala. Mulat na mulat pa rin ang binata na hindi naman makatulog sa lakas maghilik ng kasama niyang si Roger.

“Bad trip naman!”

Tumayo si Migz at kumatok sa silid ng nobya. Para namang kinakatok ng malakas ang puso ni Luisa sa sobrang nerbyos nang pagbuksan si Migz ng pinto.

“Migz, bakit hindi ka pa matulog?”

“Alam mo gustong-gusto ko na talaga matulog, ang kaso malakas pa sa tunog ng kampana ang hilik ni Roger, daig pa ang alarm clock!”

“G-gano’n ba? anong gusto mong mangyari ngayon?”

“Gusto ko ‘yang tanong mo ha, ikaw may gusto ka bang mangyari?”

“Sira ka talaga, wala akong ibang gustong mangyari kundi matulog na rin, nakakapagod kaya ang byahe.”

“Okay, pero pwede bang papasukin mo muna ko, dito na lang ako matutulog.” (Itutuloy)