Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-23 na labas

Sa lahat ng mga pangyayari at pagbabagong ito sa kanilang buhay sa loob ng isang taon, nanatili ang pagmamahal ni Migz kay Lucy at ganoon din si Luisa kay Migz na palihim nga lang.

Hanggang isang araw.

“O bakit nakasimangot ka?” puna ni Luisa kay Lucy nang makita niya itong papasok sa bahay.

“Pa’no ba naman si Migz, gusto niyang mag-dinner kami tonight, e sis sobrang pagod ko na sa work, tapos maaga pa’ko bukas dahil may  bagong client kaming parating from London, malaking client ito kaya hindi ako pwedeng magpabandying-bandying, kailangan kong mag-beauty rest para fresh ako bukas.”

“Sinabi mo ba kay Migz?”

Umiling si Lucy.

“E bakit hindi mo sinabi, para maintindihan ka niya?”

“E kasi baka magtampo na naman siya, ilang beses ko na kasing pinostpone ang date namin dahil sa mga important meeting ko, tapos eto na naman…”

“So pumayag ka?”

“Oo…”

“Okay, fine, problema mo na ‘yan, sige maiwan na muna kita do’n muna ko sa kusina.”
“Sis, wait!”

Hindi lumingon pero napapikit si Luisa sa pagtawag na iyon ng kakambal.

“Lucy, utang na loob, hindi ako pwede!”

Nilapitan ni Lucy si Luisa at niyakap ito mula sa likuran.

“Sis, one more chance please?”

Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ni Luisa sa mga sandaling iyon. Natutuwa siya dahil makikita na naman niya ang lalaking lihim na minamahal, pero nalulungkot din siya dahil hindi niya gusto ang damdaming iyon na pilit sumisiksik sa puso’t isipan niya.

Isang simpleng dinner date tulad ng dati ang inaasahan ni Luisa. Pero nagulat siya nang datnan niya sa isang vip room sa restaurant ang isang romantic date na tila pinaghandaan at pinaghirapan.

May decoration ang upuan na parang sa isang prinsesa at prinsipe. Napapalibutan ng mga red roses ang paligid. May maganda at malaking boquet ng red roses sa table. At may tumutugtog ng violin.

“M-Migz… anong okasyon?”

“Actually, magiging special occasion ito sa hinaharap depende sa’yo.”

“S-sa akin?”

“Oo, pero bago ‘yon, kumain muna tayo, tikman natin ‘yung specialty nila dito!”

Related Posts

Habang kumakain ay panay ang nakaw ni Luisa ng sulyap sa binata. Hindi niya mapigilan ang sarili. Na-miss din kasi niya ito mula nang hindi na siya makipagkita rito bilang si Lucy.

Matapos kumain ay inaya ni Migz ang dalaga na magsayaw sila ng sweet sa tugtog ng violin ng paborito nilang kanta ni Lucy na More than words.

Kinakabahan si Luisa sa pagiging espesyal ng dinner na ito. Parang may mangyayari na si Lucy dapat ang nandito at hindi siya. Sa pagdampi ng palad ni Migz sa palad niya at pagkawit ng isang kamay nito sa beywang niya ay parang kinikiliti ang tiyan niya. Parang may kung anong maliliit na bagay ang naglalaro at naghaharutan doon sa loob.

“Honey… are you okay?”

Tumango lang si Luisa.

“Ako kasi hindi eh, kinakabahan ako…”

“K-kinakabahan?” napakunot ang noong tanong ni Luisa.

“Kasi… I have something to say… hindi ko alam kung papayag ka, but, hindi naman kita minamadali, actually I can wait forever para sa sagot mo, hindi lang siguro ako makapaghintay na sabihin sa’yo ‘to…” pasakalye ni Migz.

“Migz, ano ba talaga ang gusto mong sabihin.”

Dinukot ni Migz ang isang maliit na kahon sa bulsa na may magandang disenyo. Binuksan iyon at kinuha ang isang singsing.

Pakiramdam naman ni Luisa ay ma-i-istroke siya sa sobrang pagkabigla. Kung tutuusin ay parang nahulaan na niya ang gagawin nito pero iba pala kapag nangyayari na talaga sa harapan niya.

Lumuhod si Migz sa harapan niya hawak ang singsing.

“Honey… I don’t know when is the right time, pero para sa akin walang tamang oras dahil una pa lang kitang nakilala gusto na kitang pakasalan… alam ko pagtatawanan mo ang kakornihang ‘to pero seryoso ako… please, marry me…”

Wala ni katiting na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga. Para sa kanya napakabigat ng tagpong ito. Dahil hindi ito para sa kanya. Para ito sa kakambal niyang si Lucy. Para sa tunay na minamahal ni Miguel. Sa halip ay kusang tumulo ang mga luha.
Tumayo si Migz.

“Honey, para sa’n ang mga luhang ‘yan? Tears of joy ba ‘yan o tears of…”

Pinutol ni Luisa ang sasabihin pa ng binata.

“Hindi wala, na-touch lang ako… masaya ako… kaya lang…”

“Kaya lang hindi ka pa handa?”

Napayuko si Luisa kasabay ng sunud-sunod na pagtango.

Itinaas ng isang daliri ni Migz ang chin ng dalaga at nagtama ang kanilang mga mata.

“Katulad ng sinabi ko, I can wait forever… nagbakasakali lang naman ako na ito na ‘yung tamang panahon para sa ating dalawa, pero ngayon alam ko na… siguro nga hindi pa ito ‘yung right time, kaya please ‘wag kang mag-worry…”

Wala pa ring tugon mula kay Luisa. Hindi niya alam kung anong dapat lumabas sa bibig niya. Hindi naman kasi ito kasama sa napag-usapan nila ni Lucy. Wala siyang maisip sabihin. Parang nabablangko siya sa sobrang pagkabigla sa bilis ng mga pangyayari.

Dahil tila nawawala siya sa sarili, hindi niya namalayan na nakatitig na rin pala ang mga mata niya sa maamong mata ng binata. Tinutugunan ang apoy na nagmumula rito na siyang tumutunaw sa naguguluhan niyang puso.

Gustuhin man niyang maglaho sa mga sandaling iyon ay mahigpit namang tumututol ang kanyang puso. Umaapela na pagbigyan pa ito… na angkinin ang mga sandaling iyon kahit saglit lang… na hayaan munang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang unti-unting lumalapit ang uhaw na mga labi ni Miguel sa mapupula niyang labi… na kalimutan muna ang mga alalahanin at tanggapin na lang ang nakakaakit na paanyaya ng pag-ibig… na maging makasarili sa nag-uumapaw na pananabik ng kanilang mga puso… hanggang hindi na mapigilan ang paglalapat ng kanilang mga labi. Maalab, Matamis. At para kay Luisa, ay masakit din… (Itutuloy)