Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-22 na labas

“Bata bata, hmpf! E kasi para mawala na ‘yang mga doubts mo, kasi kapag kasal na kayo at nagsasama na sa iisang bubong malalaman mo na ang lahat-lahat sa kanya ultimong pag-utot niya ay malalaman mo na kung anong tunog at amoy!” sabay tawa pa ng dalagita.

“Ah gano’n?”

Abante Hiring – IT dep

“Ganern!”

Samantala. Magkakuwentuhan din sina Luisa at Lucy sa terrace nila.

“What? Ibig sabihin lumangoy ka nang mabilis para sagipin si Michelle?”

“Oo nga, sinabi ko na ‘di ba? sorry sis, hindi mo naman kasi sinabi na hindi ka marunong luma­ngoy, pero kahit nalaman ko na mula kay Migz hindi ko pa rin nagawang balewalain ang isang tao na nakikita kong nalulunod at humihingi ng tulong!”

Nasapo ni Lucy ang sariling noo.

“OMG, Buti hindi napansin ni Migz, hindi ka man lang ba niya kinuwestiyon?”

“H-hindi… pero nakita ko sa mga mata niya ang pagdududa, hindi na lang ako kumibo kasi hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko eh…”

Related Posts

Hindi na kumibo si Lucy na parang nag-iisip.

“Lucy, sana iyon na ang huli, kasi kung masusundan pa’tong pagpapanggap ko sa boyfriend mo baka mabuking na niya tayo, baka ma­galit siya at masira pati ang relasyon niyo.” Nag-aalalang sabi ni Luisa.

“Don’t worry sis, last na talaga ‘yon.”

“Siyanga pala, kinumusta ko si daddy kanina sa kuwarto niya, mukhang bumubuti na raw ang pakiramdam niya ah?” pag-iiba ni Luisa sa usapan.

“Oo, iyon din ang sinabi niya sa’kin, sa tingin ko kasi nasa tabi niya si nanay, kasi ‘yung mga sakit na nararamdaman niya gumagaan para sa kanya, nakakaya niya.”

“Siguro nga, saka kasi nandito rin tayong dalawa, alam niya na meron siyang buong pamilya na nakaalalay sa kanya, sana nga magtuloy-tuloy na ang pagbuti ng pakiramdam niya.”

Naghawak kamay ang magkapatid.

“Kapit lang!” halos sabay nilang sabi sa isa’t isa.

Nang mga sumunod na buwan ay naging abala na rin si Miguel sa trabaho niya bilang photographer sa isang modeling agency. Si Lucy ay lalo pang naging busy sa trabaho dahil tinatarget niya ang mataas na posisyon sa kumpanya nila.

Ang sabi kasi ng daddy niya kung gusto niyang makarating sa itaas na may respeto sa sarili ay kailangan niya itong pagsikapan.At ipinangako na ni Lucy sa sarili na babawiin niya ang pagiging CEO ng kumpanya na nawala sa ama niya dahil sa pagkakasakit nito.

Si Luisa naman ay naka-gra­duate na rin sa culinary at kasaluku­yang naghahanap ng trabaho na ayon sa tinapos niya. Habang si Conrad ay patuloy na nilalabanan ang sakit sa tulong ni Aling Lore. (Itutuloy)