Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-20 na labas

“EEEEEE!” sigaw ng dalaga na ibinuhos sa pagtili ang nararamdamang panghihinayang sa okasyon at inis sa tumubong bulutong.

Agad niyang tinawagan si Luisa.

“I’m sorry Lucy, pero ayoko na talaga, ayoko ng deal, ayoko na ng London, at ayoko ng magpanggap sa boyfriend mo pakiusap?”

“Promise sis, this will be the last, gustuhin ko man pumunta sa birthday ni Michelle, I can’t kasi may bulutong ako!”

“Bulutong?”

“Oo, kaya please?”

Matapos makumbinsi si Luisa ay si Miguel naman ang tinawagan ni Lucy. Sinabi nito sa nobyo na ‘wag na siyang sunduin dahil may dadaanan pa siya. Kailangan niya kasing bigyan ng time si Luisa para makapag-ready ito sa pagpunta sa resort party. Ipahahatid na lang niya ito sa driver nila.

Wild river resort. Handa na ang lahat para sa party ni Michelle. Mga tables and chairs na malapit sa pool. Mga decoration na nakapalibot sa bawat sulok ng okupado nilang space para sa okasyon. Isa-isa nang nagdatingan ang mga high school friends ng dalagita.

Hindi naman mapakali si Migz. Panay tingin sa relo niya. Nag-aalalang maantala ang pagda­ting ng nobya. Ayaw niya kasing maantala rin ang sorpresang sasabihin niya rito kaya excited siya na makita ito.

“Kuya, wala pa ba si Ate Lucy?”

“On the way na raw.” Pagsisinungaling ni Migz kahit ang totoo ay hindi pa ulit siya kinontak nito.

“Okay.”

Maya-maya lang ay napa-second look si Miguel sa bandang entrance ng resort. Nakita niyang papasok na si Lucy. Nakalugay ang mahabang buhok nito na hinihipan ng hangin habang naglalakad palapit sa kanya. Bagay na bagay rito ang suot na red dress. Hindi niya maiwasang humanga sa kakaibang ganda ngayon ng nobya. Para itong anghel na puno ng kainosentehan habang naliligaw.

“LUCY!”

Agad dumaloy ang kaba sa dibdib ni Luisa nang marinig ang tinig ni Migz. At habang papalapit ito sa kanya ay palakas pa nang palakas ang pagpintig ng puso niya.

Related Posts

Lalo na nang salubungin siya nito ng yakap at halik sa pisngi. Nabigla siya at tila nanikip ang dibdib niya sa sobrang taas ng tension na nadama ng puso niya sa paglapat ng labi ng binata sa pisngi niya.

“Kanina ka pa hinihintay ni Michelle, tara do’n tayo!” sabay hawak ni Migz sa kamay ng dalaga.

Sa halip na humakbang ay nanatiling nakatayo si Luisa na tila natulala.

“Lucy, hon let’s go.” Ulit ni Migz.

“O-okay let’s go.”

Nakita ni Luisa ang tuwa sa mga mata ng dalagitang si Michelle nang makita siya nito. Agad itong yumakap sa kanya.

“Ate Lucy!”

“H-happy Birthday Michelle.” Bati niya sabay abot ng regalo rito.

“Wow! Thanks ate! Picture tayo ha!”

Si Migz mismo ang kumuha ng picture nina Michelle at Luisa.

Lumapit ang mga magulang ni Migz sa kanila.

“Oh Lucy, long time no see ha, mabuti’t nakara­ting ka!” ang mommy ni Migz.

“O-opo, nangako po ako kay Migz at alam ko pong inaasahan rin ako ni Michelle.” Sabay mano ni Luisa sa ina at ama ni Migz.

Nagkatinginan ang dalawang matanda. Nagtataka kasi sila dahil sanay sila kay Lucy na nakikipagbeso lang sa kanila at hindi nagmamano. Napaisip rin si Migz.

Iba naman ang nasa isip ni Luisa, iniisip niya napakasuwerte ni Lucy. Meron itong pamilya na nagmamahal, isang tulad ni Michelle na mataas ang tingin dito at lalo na isang boyfriend na mahal na mahal rin ito. Masaya siya para sa kapatid.

Samantalang inis naman ang nararamdaman niya para sa sarili dahil sa tila unti-unting pagkahulog niya kay Migz. Ayaw niyang mangyari iyon. Higit sa lahat ng tao, ayaw niyang masaktan ang kakambal niya kapag nalaman nitong umiibig na rin siya sa taong minamahal nito.

Naupo sina Migz at Luisa sa isang table na malapit sa pool. (Itutuloy)