Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-2 na labas

Mula sa ‘di kalayuan ay nakatanaw pa rin si Luisa kay Lucy. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ng mga mata. Biglang nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.

Nakahiga na sa single bed niya sa inuupahang maliit na apartment ay hindi pa rin makatulog si Luisa. Laman ng isip niya ang nakilalang si Lucy.Pero gaano man niya ito pag-isipan ng malalim ay hindi masasagot ang tanong niya hanggat hindi niya nakakausap ang ina.

“Kailangan kong tawagan si nanay…kailangan ko siyang makausap…”

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at kinuha sa bag ang calling card na ibinigay ni Lucy. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang tinitigan iyon.

“Kapag nakausap ko na si nanay bukas, siya naman ang kakausapin ko…”

Kinabukasan. Hindi rin mapakali si Lucy sa opisina niya. Tulad ni Luisa ay naiisip rin siya ng kakambal.

“Grabe, hindi ako makapag-concentrate, naiisip ko siya! sana tawagan na niya ko para magkausap na kami ng masinsinan!” kausap ni Lucy sa sarili.

Nang biglang bumungad sa pintuan si Migz.

“Ako ba ang naiisip mo?” nakangiting bungad ng binata.

Napasimangot naman si Lucy.

“Narinig mo ang sinabi ko?”

“Sinabing alin?”

“Never mind.”

Humakbang si Migz palapit sa nobya.

“Kitang-kita naman sa mukha mo na malalim ang iniisip mo eh, ako ba ha?”

“Wag ka ngang assuming, saka ano bang ginagawa mo rito?”

Related Posts

“Tsinetsek ko lang naman ang girlfriend ko kung okay lang siya.”

“I’m okay, kaya sige na, go ka na at marami pa’kong dapat trabahuhin, call na lang kita later.”

Pumangalumbaba si Migz sa table ng dalaga.

“Ayan ka na naman eh, yung later mo aabutin na naman ng weeks bago mo ako maalala!”

“Migz, alam mo naman na kailangan kong magpa-impress kay dad dahil binigyan niya ako ng magandang pwesto rito sa company namin, at hindi ko magagawa ‘yon kung palagi kang nandito para bantayan ako,okay?” ang company na tinutukoy ni Lucy ay ang toys business na minana pa ng ama sa Lola Consuelo niya.

“Okay fine, aalis na po.”

“And don’t forget, kailangan mo na ring maghanap ng work.” Paalala pa ni Lucy.

“Hon, kaka-graduate ko lang, gusto ko munang magpahinga dahil kapag nag-work na’ko gusto ko dire-diretso na hanggang sa makaipon ako para sa grand wedding na dream mo!”

Isang nakakaasar na ngiti ang pinakawalan ni Lucy sa labi bilang tugon sa sinabi ng nobyo. Napapailing namang lumabas ng office si Migz.

Hindi makontak ni Luisa ang inang nasa probinsya sa telepono ng kapitbahay nila kaya nagpasya siyang umuwi na lang.

“Luisa?” gulat na bungad ni Aling Lore nang makita ang anak. Agad niya itong pinatuloy sa bahay nila na may kaliitan at yari sa kahoy.

Nagmano ang dalaga sa ina bago ito naupo sa sofa.

“Anak, bigla ka yatang napauwi, m-may problema ba? kumusta yung trabaho mo do’n?”

“Okay naman po ang trabaho nay, magaan at mababait ang mga kasama ko…” ang pagiging clerk sa isang bookstore ang tinutukoy na trabaho ni Luisa. At the same time ay kumukuha rin siya ng culinary.

“E sa school, kumusta ka?”

“Okay rin naman po…”

“Kung gano’n anong problema?”

“K-kasi po ‘nay…” (Itutuloy)