Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-19 na labas

“Okay, promise ‘yan ha!”

“Pramis…”

Nanatiling dilat si Luisa habang nakatingala sa kisame. Naguguluhan ang damdamin niya. Totoo naman na ayaw niyang mag-absent na sa trabaho at sa school dahil malapit na ang bakasyon, pero hindi lang ‘yon ang dahilan kung bakit ayaw na niyang makasama si Migz, may kakaiba na kasi siyang nararamdaman sa tuwing makakasama ito. Ayaw niyang kunsintihin ang damdamin iyon na maaaring magdulot ng pader sa pagitan nila ni Lucy. At ayaw rin niyang masaktan ang sariling puso dahil alam na alam naman niya na sa tuwing hinahawakan ni Migz ang kamay niya, at sa tuwing tinititigan siya nito ng buong pagmamahal ay si Lucy ang nasa isip nito at hindi siya.

Samantala. Laman din ng isip ni Miguel si Lucy sa mga sandaling iyon. Nakahiga na siya sa sariling kama at nakatingala rin sa kisame tulad ni Luisa. Naiisip kasi niya ang mga pagbabagong napansin niya sa nobya nitong mga nakaraang araw. Naging tahimik at tipid lang ang mga salita, kapansin-pansin ang mas pinong kilos nito at himalang hindi nagbabanggit ng anuman tungkol sa trabaho na siyang laging bukang bibig nito sa tuwing nagkukuwentuhan sila.

Pero anuman ang maging pagbabago nito, okay lang, walang mababago sa feelings niya para rito.

“You’re still my Lucy… kunsabagay, mas gusto ko ang Lucy na nakakasama ko ngayon, kaysa sa Lucy na laging busy at laging nagmamadali…” napangiti si Migz sa isiping iyon.

Birthday ni Michelle. Maagang umalis si Luisa para pumasok sa bookstore. Si Aling Lore naman ay naging busy sa pag-aasikaso kay Conrad.

Habang si Lucy ay nagising na lang sa pagtunog ng cellphone niya na nasa ulunan. Nakapikit niya itong kinapa at sinagot.

“Hon, where are you na?”

“I’m sleeping pa… mamaya pa ang pasok ko sa office…”

Related Posts

“What? Lucy, birthday ngayon ni Michelle at nangako kang darating ka! I’ll pick you up okay?”

“WHAT?” napabalikwas ng bangon si Lucy.

“Yes susunduin kita riyan within an hour kaya mabuti pa mag-ayos ka na!”

“O-okay, bigyan mo ko ng two hours!”

“Okay fine.”

Dali-daling tumayo si Lucy at tinungo ang banyo. Napa-second look siya sa harap ng salamin nang mapansin ang mga butlig sa mukha.

“HA?… A-ANO ‘TO?”

Ang ina ang nagkumpirma sa butlig na tumubo sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ni Lucy. Pinuntahan niya ito sa kusina na naghuhugas ng mga plato katulong si manang.

“Bulutong ‘yan, may bulutong ka anak!”

“What? Ang ibig sabihin hindi ako pwedeng lumabas ng bahay?”

“Pwede naman kasi nakakahawa naman ‘yan pagpawala na sa’yo, kaso ang pangit tingnan, kaya mo ba?”

Malungkot na umiling si Lucy. Nag-aalala siya dahil tiyak na magtatampo na naman si Migz kapag hindi siya umattend sa birthday ni Michelle. (ITUTULOY)