Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 444

Ika-17 na labas

Hindi agad nakasagot si Aling Lore pero deep inside ay nakadama siya ng tuwa sa sinabi ni Conrad.

“O sige, mananatili kami rito, pero kailangan mong magpagaling, sa ospital para namo-monitor nila ang kalagayan mo.”

“Lore, kapag nasa ospital ako pakiramdam ko mas madadali ang buhay ko, dito mas gagaling ako dahil kasama ko kayo. Teka, nag-aalala ka ba?”

“Ikaw pa rin ang ama ng mga anak ko.”

Hinawakan ni Conrad ang kamay ng babae.

“‘Wag kang mag-alala, magpapalakas ako, gagaling ako para sa inyo ng mga anak ko.”

Samantala. Pinuntahan ni Luisa si Lucy sa kuwarto nito. Pinatuloy siya nito pero naabutan niya itong abala sa harap ng laptop.

“Sis, may kailangan ka ba?” tanong ni Lucy na ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa laptop.

Naupo si Luisa sa gilid ng kama.

“Sorry sa abala, pero ikaw ang tatanungin ko, bakit mo nilipat dito sa kuwarto mo lahat ng gamit ko?” nakangiting tanong ni Luisa.

Related Posts

Saglit na napahinto si Lucy sa ginagawa at humarap sa kakambal.

“Nagpaalam naman ako kay nanay kanina eh, sabi ko I want to surprise you, gusto ko kasi na mag-share tayo sa room, para maging close pa tayo ‘di ba at makapag-bonding tayo even at midnight!”

“Alam mo gusto ko ‘yang idea mo, kaya lang pa’no si nanay, mag-isa na siya sa kuwarto?”

“Ano ka ba, ‘wag mong alalahanin si ina, kasi wala naman daw problem sa kanya at gusto rin niya na maging malapit tayo sa isa’t isa, and beside gano’n din naman sila ni daddy, I think nagkakamabutihan na nga sila eh!”

“Talaga?”

“Oo, pero mamaya na tayo magkuwentuhan ha kasi busy pa’ko, kailangan kong tapusin ‘to dahil kailangan ko itong i-report sa office bukas!”

“Okay sige, iwan na muna kita, puntahan ko muna si nanay.” Sabay tayo ni Luisa.

“Nasa room siya ni daddy ngayon, nag-uusap sila, buti pa kunin mo sa drawer ko yung ginawa kong list, rebyuhin mo. It’s about Miguel, ‘yung mga dapat mong malaman tungkol sa kanya, at ganoon din sa’kin para next time na magkita kayo e hindi ka mangapa.”
Natigilan si Luisa.

“ANO? Pero Lucy!”

“Just in case lang naman na kailanganin ko ulit ang tulong mo.”

Naiiling na lumabas ng silid si Luisa.

“Luisa, peace tayo ha!” habol na sigaw pa ni Lucy. (Itutuloy)