Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 444

Ika-16 na labas

Labag man sa kalooban ay napilitan pa rin si Luisa na sundin ang kagustuhan ni Lucy. Umuwi siya ng bahay at kinuha ang damit na itinext sa kanya ng kapatid. Inilagay niya iyon sa bag niya at sa isang rest room sa mall na lang siya nagpalit para hindi makahalata ang ina.

Abante Hiring – IT dep

“Luisa, ano ba’tong gagawin mo, sigurado ka ba talaga?… kung hindi mo gagawin pa’no naman si Lucy?… bahala na!” kausap ni Luisa sa sarili sa harap ng salamin sa restroom. Ipinuyod niya ang mahabang buhok tulad ng palaging ayos ni Lucy. Ilang saglit pa niyang tinitigan ang sarili suot ang simple dress nito na kulay gray. Sa tingin niya’y halos wala na talaga silang ipinagkaiba ng kakambal.

Pagbaba pa lang ni Luisa sa taxi ay nag-umapaw na ang kaba sa dibdib niya. Picture pa lang ni Migz ang nakita niya kaya sana ay hindi siya magkamali ng table na lalapitan.

Panay naman ang tingin ni Migz sa relo niya. Nag-aalala na hindi na naman dumating si Lucy. Pero ang pag-aalala niya ay agad napawi nang makita niya ang babaeng mahal na papasok na sa loob ng restaurant. Hindi maiwasan ni Migz ang humanga sa kakaibang kagandahan na nakita niya ngayon sa dalaga. Parang may ibang kislap siyang nakita sa mga mata nito.

Dahil tila hindi siya nito makita ay siya na ang lumapit dito.

“Honey!”

Napalingon si Luisa. Naumid ang dila sa estrangherong kaguwapuhan na tumambad sa kanya. Napalunok siya sa paghahagilap ng dapat sabihin.

“You look gorgeous hon!”

Walang tugon mula kay Luisa.

“Lucy What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Migz.

“W-wala… Thanks… happy birthday… h-honey…”

“Thanks, akala ko hindi ka na naman makakarating eh, do’n tayo.” Aya ni Migz sa dalaga patungo sa table nila.

Nanlamig ang kamay ni Luisa nang hawakan ni Migz ang kamay niya habang naglalakad sila papunta sa pina-reserve na table ng binata.

“Nag-order ako ng favorite mo, pasensya ka na sinimplehan ko na lang ang birthday date natin, nag-aalala kasi ako na masayang na naman ang preparation ko like nung anniversary natin, hindi naman ako nanghihinayang sa budget kundi sa effort, alam mo na.”

“S-sorry ha…”

“Okay lang, ang importante nandito ka ngayon.”

Lumapit sa kanila ang waiter dala ang inorder ni Migz. Namutla si Luisa nang makita ang sugpo. May allergy kasi siya rito.

“Hon, okay ka lang ba?”

“Oo, okay lang ako, meron ka bang ibang inorder?”

“Don’t worry ice cream ang dessert natin later, o ‘yan ha kahit ako ang may birthday puro favorite mo pa rin ang mga inorder ko!” nakangiting sabi ni Migz habang nilalagyan ang plato ni Luisa ng sugpo.

“Ahm, Migz ano kasi eh, medyo masama ang tiyan ko kanina, kaya sa tingin ko hindi na muna ako kakain ng sugpo…”

“Ha? gano’n ba? sigurado ka ba okay na ang pakiramdam mo ngayon?”
“Oo, siguro.”

“Don’t worry ito na lang lasagna ang kainin mo, or baka may iba kang gusto?”

“Hindi, wala na, okay na sa’kin ‘tong Lasagna.” Kahit ang totoo ay nasusuka siya sa lasa nun.

Matapos kumain ng pagkaing hindi gusto ng sikmura ay nagpaalam muna ang dalaga kay Migz na pupunta sa restroom.

Related Posts

Hinarap ni Luisa ang sarili.

“I’m sorry Luisa, kailangan mong gawin ‘to para kay Lucy…” sa isip ng dalaga.

Kahit hirap sa pagpapanggap ay nakuha pa rin ni Luisa na ngumiti matapos ang date na iyon dahil sa nakita niyang kagandahan ng loob ni Migz. Malambing ito at maasikaso kaya naisip niya masuwerte si Lucy sa pagkakaroon ng isang boyfriend na katulad ng binata.

Gabi na nang dumating si Lucy sa bahay. Hinanap agad niya ang kakambal.

“Luisa, there you are, nalibot ko na ang buong bahay nandito ka lang pala sa garden, anong ginagawa mo rito gabi na!”

“Wala, masarap kasi ang hangin dito sa garden, parang sa probinsya malamig.”

“Ganern? Sis, ano kumusta ang date?”

“Ayun, okay naman, mabuti na lang at hindi niya ko pinilit kainin ‘yung sugpo na favorite mo raw, may allergy kaya ako do’n!”

“Sorry sis ha, but maraming maraming thank you for saving me!” sabay yakap ni Lucy kay Luisa.

“Okay, pero Lucy hindi ko ito magagawa sa lahat ng oras ha, sana maintindihan mo.”

“Okay.”

Nagpaalam si Lucy na magpapalit na muna ng damit. Patalikod na siya nang muli siyang tawagin ni Luisa.

“Lucy.”

Lumingon si Lucy.

“Sa tingin ko masuwerte ka sa kanya, kaya ‘wag mo sanang sayangin ‘yun mga oras na makakasama mo siya.”

Ngiti lang ang itinugon ni Lucy sa kakambal.

Dinalhan ni Aling Lore ng pagkain at gamot si Conrad sa silid nito.

“Ako na ang nagdala nito, wala kasi ang private nurse mo.” Anang babae habang inilalapag sa side table ng silid ang tray na may lamang isang tasa ng lugaw, tubig sa baso at gamot.

“Oo, nagpaalam siya sa’kin… salamat Lore.”

Kinuha ni Lore ang tasa at kutsara at naupo sa gilid ng kama.

“Susubuan mo ako?”

“Ayaw mo ba?’

“Syempre gusto ko, naalala mo ba nung mag-boyfriend palang tayo, sinusubuan mo rin ako kapag may sakit ako?”

May tipid na ngiting sumilay sa mga labi ni Aling Lore.

“Huwag ka na nga mag-reminisce diyan, at baka pati ‘yung mga hindi magandang memories e maalala ko pa.”

“Matatanda na tayo Lore, kalimutan na lang natin ‘yung mga hindi magagandang nagdaan sa buhay natin, ang gusto ko sana ngayon ay maging okay tayo kasama ang mga anak natin.”

“Okay naman tayo ah. Kaya nga nandito kami ngayon ni Luisa.”

“Ang ibig kong sabihin… ‘yung hindi pansamantala lang, ‘yung dito na sana kayo tumira. ‘Yung buo na ulit ang ating pamilya…” (Itutuloy)