Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-15 na labas

Si Conrad na nasa wheelchair niya at kakatok din sana sa silid ng mag-ina ay hindi na tumuloy. Narinig na niya kasi ang tila pagba-bonding ng mag-iina niya kung kaya’t pinili na lang niyang bumalik sa sariling silid.

“Hello hon, busy ka ba next week?” si Migz na kausap sa phone si Lucy habang nagkakape sa terrace nila.

“Of course not! It’s your birthday week, o kala mo nalimutan ko no?”

“Alam kong hindi mo malilimutan, kasi babawi ka sa’kin ‘di ba?”

“Yes I know, o sige na, marami pa kong gagawin!”

“As always, ok bye, I love you!”

“Bye!”

Pag-uwi ng bahay mula sa opisina ay dumiretso si Lucy sa silid ng ama.

“Lucy what’s wrong?”

Malungkot na naupo si Lucy sa gilid ng kama.

“Dad, gusto pong malaman ng board ang tunay na kalagayan niyo, and kung hindi raw po kayo makakapagreport within one week, kailangan po nilang magtalaga ng bagong CEO.”

“What?”

“Dad, importante raw po ang position, hindi raw po ito pwedeng mabakante, kaya kailangan may umokupa ng posisyon hangga’t wala pa kayo or unless ay hindi niyo na raw po makayang i-manage ang kumpanya…”

“Damn it! Sino bang promotor ng idea na ‘yan?”

“Ganyan din po ang nangyari kay Lola Consuelo ‘di ba dad?”

“Ako pa rin ang may-ari ng kumpanya natin, ako pa rin ang dapat masunod.”

“Dad, you know the rules. But don’t worry, hindi ko hahayaan na mapunta sa hindi karapat-dapat ang posisyon.”

Hinawakan ni Conrad ang kamay ng anak.

“Lucy, ikaw na lang ang pag-asa ko, ‘wag mo akong biguin, alam kong napakabata mo pa pero gusto kong pagsikapan mo na hindi bumagsak ang kumpanya natin.”

Related Posts

Tumango ang dalaga.

“Pangako daddy…”

“At saka sana makumbinsi mo rin si Luisa na maging bahagi rin ng kumpanya… gusto kong sa inyong dalawa ito mapunta…”
“Yes dad.”

January 12. Umaga. Sa bookstore na pinagtatrabahuan ni Luisa.

“Alam mo Luisa if I were you hindi na ako magtitiyaga dito sa bookstore na, kasi ‘di ba mayaman naman ‘yung daddy mo? Magreyna-reynahan ka na lang do’n sa toys factory niyo para makabawi ba sa mga panahong nasayang!” si Jane habang inaayos ang mga libro sa isang rock.

“Sira ka talaga! pumayag kami ni nanay na tumira sa kanila, pero wala kaming balak baguhin ang kinagisnan namin lalo na ang mga sarili namin no!”

“O sige, ikaw na ang pabida, e kumusta naman ‘yung dad mo?”

“Si tatay… stage 3 na raw ang cancer niya, pero nananalig ako sa itaas kaya umaasa ako na gagaling pa rin siya.”

“Amen!”

Nag-ring ang phone ni Luisa.

“Hello Lucy?”

“Luisa, I’m sorry kung naistorbo kita, nagkaro’n kasi ako ng biglaang meeting with the board, pero naghihintay sa ‘kin sa restaurant si Migz, birthday niya ngayon at kung hindi ako makakapunta magtatampo na naman siya like nung anniversary namin!”

“L-Lucy, anong ibig mong sabihin?”

“Nakikiusap ako, puntahan mo siya, please?”

“Pero nasa trabaho ako!”

“I know, magdahilan ka na lang, okay lang naman kung tatanggalin ka nila diyan, may sarili tayong company!”

 “LUCY!”

“Pleeeaassseee?”

“Pero…”

“Bye na, I have to go, Itetext ko sa’yo yung restaurant and the details, okay thank you!”

“LUCY!”

Napailing si Luisa nang i-off na ng kakambal ang phone nito.  (Itutuloy)