Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-14 na labas

“Sige, ganito na lang, do it for me and for dad, kasi kapag nagawa mo  makakapag-focus ako sa work at matutulungan mo rin kami na ma-save ang company mula sa mga taong nag-iinteres dito.”

“Lucy…” puno pa rin ng pag-aalinlangan ang tinig ni Luisa.

“And promise kahit 6 months lang na pagpapanggap, and then bibigyan kita ng ticket papuntang London secretly!”

“Ano? Paano mo nalaman ang tungkol sa London?” gulat na tanong ni Luisa.

“Nung nag-usap kami ni nanay, nabanggit niya sa akin na pangarap mong makarating sa London at makapagtrabaho doon, kaya lang ayaw ka niyang payagan kasi natatakot siya.

Since ayaw ka niyang payagan, pwede kang makapunta ron ng sikreto lang, kahit mga two weeks lang, bibigyan kita ng budget at ako na rin ang gagawa ng paraan para hindi malaman ni nanay!”

“Two weeks…” parang napapaisip si Luisa.

“After mong mabisita ang London, it’s up to you kung gugustuhin mo pa ring magtrabaho ro’n or not. At least narrating mo!”

Hindi makakibo si Luisa. Nabibigla siya sa mga offer ng kakambal. Pero ayaw naman niyang ma-dissapoint niya ito dahil gusto niyang maging close sila at higit pang makilala ang isa’t-isa.

“Luisa please, please?” patuloy na pakiusap ni Lucy.

“Okay, ganito na lang, bigyan mo muna ko ng time para pag-isipan ‘yan.”

“Ganurn?…O-o sige, pero ‘wag masyadong matagal ha!” kahit pa’no ay nakasilip ng pag-asa si Lucy.

Mahaba pa ang naging usapan ng dalawa tungkol sa bagay na ‘yon at sa iba pang mga bagay. Patuloy ang pangungumbinsi ni Lucy sa kakambal, pero desidido si Luisa na pag-isipan muna iyong mabuti.

Gabi. Pabiling-biling si Luisa sa higaan. Laman ng isipan ang pabor na ipinapakiusap ni Lucy.

“Una sa lahat, ayokong manloko ng tao…pangalawa pa’no ko gagawin ‘yon kung busy rin ako?…pero paano ko ba matatanggihan ang nag-iisa kong kapatid na ngayon ko lang makakasama?” sa isip ni Luisa.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Luisa nang biglang magsalita ang ina na katabi lang niya sa kama.

“Anak, tulog ka na ba?”

Humarap ng higa si Luisa sa nanay niya.

Related Posts

“Hindi pa po ‘nay, bakit po?”

“Iniisip ko kasi yung bahay natin sa probinsya.”

“Ano pa po bang inaalala nyo, diba po nakausap nyo na si tiyang sa phone, hayaan nyo na muna pong sila ang tumao ro’n habang nandito pa tayo.”

“Okay, e ikaw, bakit gising ka pa?”

“Wala lang po, hindi pa lang po talaga ako makatulog…”

“Napakabilis ng mga pangyayari ano anak? Hindi ko akalain na mangyayari pa’to…”

“E ‘nay, meron lang po ako sanang gustong itanong…okay lang po maski hindi nyo sagutin…”

Napangiti si Aling Lore.

“Parang bigla naman akong kinabahan, ano ba ‘yon?”

“Si tatay po, mahal mo pa ba siya?”

Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ng matanda. Seryoso nitong sinagot ang tanong ni Luisa.

“Hindi ko nga alam kung bakit sa tagal ng panahon, sa dami ng sakit ng loob na pinagdaanan ko, wala akong ibang lalaking minahal kundi ang tatay nyo…at alam ko sa sarili ko na hindi nawala ang pagmamahal na ‘yon…maaring natakpan ng galit pero nanatili lang siyang nandito.” Sabay turo ni Aling Lore sa puso niya.

Yumakap at dumantay si Luisa sa ina.

“Thank you ‘nay, panatag na’ko, kasi alam ko na masayang-masaya ka ngayong nandito tayo, kahit pa may pinagdadaanan tayong problema ngayon.”

Ilang mahihinang katok ang nagpalingon sa mag-ina sa pintuan ng kuwarto.

“Ako na po.” Sabay tayo ni Luisa para buksan ang pintuan.

Bumungad si Lucy dala ang malaki niyang unan.

“LUCY!”

“Pwede bang dito rin ako makatulog?”

“Oo naman anak!” maagap na sagot ni Aling Lore.

Gumitna si Lucy sa ina’t kapatid. At sa pagsasama nilang iyon ay mas lalo pa silang hindi naka­tulog dahil sa tila walang katapusang kuwentuhan. (Itutuloy)