Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 450

Ika-13 na labas

Umaga.

Maagang gumising si Aling Lore pero mas maagang nagising si Lucy. Naunahan siya nito sa paghahanda ng almusal.

“Good morning!” bati ni Lucy.

“G-good morning anak, teka bakit ang aga mo naman yatang gumising, sabi ni manang tanghali ka na raw nagigising kaya lagi kang nagmamadali sa pagpasok sa trabaho?” ani Aling Lore habang papalapit sa mesa.

 “Syempre naman nay, iba ang araw na’to, special, kasi ito ang unang breakfast nyo ni Luisa dito sa bahay!”

“Oo nga eh, kaya nga sana naisip kong ako ang magluto ng almusal para sa inyo, kaya lang naunahan mo ako!” natatawang sabi ni Aling Lore.

“Di bale po, marami pa naman pong susunod na breakfast na pagsasaluhan natin, ipauubaya ko na ‘yon sa inyo kasi busy na po ako sa work.”

“A-ang daddy mo, gising na ba siya?”

“Yes po, actually nauna na po siyang kumain kasi kailangan po niyang uminom ng gamot. si Luisa po?”

“Pababa na rin ‘yon, nagbanyo lang sandali.”

Matapos kumain ng agahan ay inaya ni Lucy si Luisa sa garden.

“Luisa, may bf ka na ba?”

“Noong high school ako nagkaroon ako ng bf, do’n sa province, pero ngayon wala na.”

“Good!”

“Ha? bakit good?” nagtatakang tanong ni Luisa sa reaksyon ni Lucy.

Pero bago pa makasagot si Lucy ay biglang nag-ring ang phone nito na ayaw naman nitong sagutin.

“Lucy, bakit hindi mo sagutin?”

“Ito na nga ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ng heart to heart sis e…”

“Ha?”

Related Posts

Naupo sa upuang napapalibutan ng mga tanim na bulaklak si Lucy.

“Si Migz, ang boyfie ko.”

“May problema ba kayo?”

“Iyon na nga eh, wala kaming kaproble-problema, smooth sailing ang relationship namin eversince na maging kami. Although maraming umaaligid sa kanya, pero hindi naman ako masyadong affected do’n.”

“E di mabuti, bihira ang ganyan kaya dapat mong ingatan, kasi sabi nila kapag nagmahal ka ihanda mo na ang sarili mo sa sobrang kaligayahan pati na rin sa kalungkutan.”

“E kaso nga, I’m so bored na, saka super busy ko sa work lalo na ngayon na may sakit si dad, marami akong kailangan i-monitor sa company, baka kasi samantalahin ng iba ang pagkawala ng presence niya do’n.”

“Teka,  hindi ko ma-gets, bored ka sa relationship mo kay Migz at gusto mo munang magpakaworkaholic, gusto mo ba ng payo ko?”

“No, ang gusto ko ay ang tulong mo.”

“Tulong sa paanong paraan?”

“Sis, kahit naboboring na’ko sa relasyon namin ni Migz, ayoko pa rin siyang mawala sa’kin, kasi sa loob ng dalawang taon nakita ko ang respeto niya sa akin, naramdaman ko kung gaano niya ko kamahal kahit pa ang daming babae na nagkakandarapa sa kanya…isang paraan lang ang naisip ko para maging okay pa rin kami and at the same time ay magagawa ko ang trabaho ko ng maayos…”

“Anong paraan naman ‘yan?”

“Ikaw.”

“AKO?”

“Yes, ikaw na ikaw, ikaw na puwedeng maging ako, at ako na puwedeng maging ikaw!”
Naupo si Luisa sa tabi ni Lucy at humarap dito.

“Lucy, magkakambal nga tayo, pero magkaiba ang buhay natin, marami pa rin tayong pagkakaiba, at kung busy ka sa work mo, may work din ako at pumapasok pa nga ako sa culinary, kaya imposibleng magawa ko ang gusto mong mangyari!”

“Luisa please? Hindi naman ito forever, pansamantala lang, gusto ko lang naman na samahan mo siya sa mga lakad namin paminsan-minsan kapag hindi ako available!”

“Nababaliw ka na ba? sa tingin mo malilinlang mo siya?”

“Oo naman, kung ang sarili ko nga hindi ko mapapaniwalang may kakambal ako na kamukhang-kamukha ko, you know what,  gayahin mo lang ang pananamit ko wala na talaga tayong pinagkaiba!”

Tinalikuran ni Luisa si Lucy sa upuan.

“Hindi ko magagawa Lucy.”

Saglit na nag-isip si Lucy. (Itutuloy)