Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-12 na labas

“Okay, alam mo namang hindi ako selosa, but ang ayoko lang sa lahat ‘yung niloloko ako.”

“Promise hon, nagsasabi ako ng totoo.”

Hindi na kumibo pa si Lucy.

Matapos ang ilang araw na pamamalagi sa ospital ay nagpauwi na si Conrad. Sa pagkakataong ito ay nasa tabi pa rin niya si Lore.

Sa loob ng kanyang silid. Nakaratay sa malaki niyang kama si Conrad. Nasa tabi niya si Lucy. Sa bandang paanan naman niya sina Luisa at Aling Lore.

“Dad, kailangan nang umuwi nila nanay…” si Lucy.

“Lore… pakiusap, pwede bang manatili na muna kayo dito?” ani Conrad na may pagsusumamo sa tinig.

Nagkatinginan sina Aling Lore at Luisa.

“Luisa, anak, halika.”

Lumapit si Luisa at naupo sa gilid ng kama ng ama.

“Anak, alam kong marami akong pagkukulang sa’yo… sana mapatawad mo ako… at sana kahit sa nalalabi kong panahon ay mabigyan mo ko ng pagkakataon na maging ama sa’yo…”

Tumingin muna si Luisa sa ina bago muling bumaling sa ama.

Related Posts

“‘Tay, ang sabi po ng doctor, naniniwala siya sa milagro, kaya ang sakit niyong lung cancer, mawawala po ‘yan, maniwala lang po tayo at manalig sa Diyos. ‘Wag po kayong mag-alala, dadalawin namin kayo ni nanay ng madalas.”

Napailing si Conrad.

“Hindi… ang ibig kong sabihin ayokong umalis pa kayo, ang gusto ko sana ay dito na kayo mamalagi ng nanay mo.”

Nagkatinginan sina Luisa at Lucy.

“Luisa, tama si daddy, mas mabuti siguro kung dito na lang kayo ni nanay, para sama-sama tayo , ‘di ba ‘nay?” sabay baling ni Lucy sa ina.

Hindi makasagot si Aling Lore.

“S-sige po tay…” tugon naman ni Luisa.

Ang malaking guest room muna ang pansamantalang magiging silid ng mag-ina.

“‘Nay, sorry po kung pumayag ako sa kagustuhan ni tatay kahit hindi ko pa kayo tinatanong kung papayag ba kayo… kasi po naawa po ako sa kanya, saka gusto rin naman po natin na makasama si Lucy ‘di ba?” paliwanag ni Luisa habang inaayos ang mga damit nila sa bago nilang aparador.

Nilapitan siya ni Aling Lore at kinuha ang kamay niya.

“Okay lang anak, iyon din naman ang magiging desisyon ko eh… higit kailanman ngayon nila tayo kailangan sa buhay nila, siguro ito ang dahilan kaya nagkrus ang landas niyo ni Lucy, siguro nga panahon na para mabuo ang pamilya natin.”

“Salamat ‘nay.”

“Isa pa kung nasasabik kang magkaroon ng isang ama, nananabik din ako sa kapatid mo. Gusto kong makabawi sa kanya.”

“‘Wag po kayong mag-alala ‘nay, hawak kamay po tayong babawi kay Lucy, at hawak kamay din po nating sasamahan si tatay sa laban niya sa sakit niya.” Sabay yakap ni Luisa sa ina. (Itutuloy)