Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-11 na labas

“‘Wag mong sisihin ang sarili mo, sa tingin ko naman naging okay ang relasyon niyo sa loob ng mahabang panahon ‘di ba? kaya ‘yung nangyayari ngayon,  isipin mo na lang na parte ‘yon ng buhay… isang pagsubok lang na dadaan sa buhay niyo… sa buhay natin…”

Abante Hiring – IT dep

“Sana nga may fast forward ang buhay, para mapagdaanan na natin ‘to, para makaabante na tayo sa next chapter ng buhay natin, ‘yung masaya, ‘yung buo na tayong pamilya!”

“Sana nga, kasi gusto ko rin maranasan kung paano magkaro’n ng isang ama…”

Nang biglang tumunog ang cellphone ni Lucy.

“Hello Migz?”

“Hon, nabalitaan ko ang nangyari sa daddy mo, on the way na’ko diyan sa ospital!”

“What?”

“Anong what? Nakakagulat bang damayan ko ang girlfriend sa kalungkutan?”

Dahil sa sinabi ni Migz ay nataranta si Lucy. Agad nitong pinutol ang pag-uusap nila at buma­ling kay Luisa.

“Ahm, Luisa, mabuti pa kumain muna kayo ni nanay sa pinakamalapit na restaurant dito sa ospital, or kahit saan nyo gusto, ako na muna ang magbabantay dito, pagkatapos ninyo ako naman ang lalabas para kumain!”

“Ha?”

“Kasi tingnan mo si nanay o, mukhang gutom na siya pero tinitiis lang niya!”

“Gano’n ba, sige, kung gusto mo bibilhan na lang kita ng pagkain?”

“Oo sige, kahit ano na lang!”

Nilapitan ni Luisa ang ina. Pero nang ayain niya ito ay umiling ito.

Sa isip ni Lucy, hindi dapat malaman o makita ni Migz na meron siyang kakambal, kundi masisira ang plano niya!

“I’m sorry Lucy, pero hindi pa raw nagugutom si nanay eh.”

“Ha? e sige, kayo na lang ang maiwan dito tapos ako na lang ang bibili ng makakain?”

“Sige, bahala ka, gusto mo ba samahan na lang kita?”

Related Posts

“No thanks, keri ko na!”

Sa entrance ng hospital sinalubong na ni Lucy si Migz at agad itong inilayo sa lugar.

“Lucy are you sure kailangan nating doon pa kumain sa restaurant na ‘yon? medyo malayo ‘yon dito ah?”

“Ano ka ba, malapit lang ‘yon no, saka may nagbabantay naman kay dad, babalik din ako agad after nating kumain.”

“Kumusta ba ang dad mo?”

“I think he’s okay…” pagsisinungaling ng dalaga kahit pa labis ang pag-aalala niya ngayon sa ama.

Naiiling si Migz pero lagi lang siyang sumusunod sa anumang sabihin ng nobya. Kaya kahit gusto niyang makumusta ng personal ang ama ng babaeng mahal ay ipagpapaliban na lang muna niya ito.

Sumakay na sila sa kotse ng binata palayo sa ospital. Nag-ring ang phone ni Migz.

“Hon ako na ang sasagot.”

Hindi pa nakakasagot si Migz ay kinuha na ni Lucy ang cellphone niya. At hindi pa rin nakakapag-hello si Lucy ay narinig na agad niya ang boses ng isang babae.

“Migz, sa wakas tinanggap mo rin ang call ko, kagabi pa’ko tawag nang tawag, are you busy now?”  tinig ng babae sa kabilang linya.

Napakunot noo si Lucy.

“Excuse me, who are you?” inis na sagot ni Lucy.

Napalunok si Migz nang marinig ang sinabi ni Lucy sa kausap.

“Ikaw, sino ka?” inis ding balik tanong ng babae sa phone.

“Ako lang naman ang kaisa-isang girlfriend ni Migz!”

Sa halip na muling tumugon ay pinatayan siya ng babae ng cellphone. Binalingan ni Lucy ang binata.

“Now Miguel Mendoza, tell me, who’s that girl ha?”

“Si Mildred siguro ‘yon, aaminin ko kinukulit talaga niya ko, gusto niyang makipag-date ako sa kanya, pero alam mo namang faithful ako sa’yo ‘di ba?”

“Faithful ha! bakit alam niya ang number mo?”

“Of course, we have the same bunch of friends, kaya malamang nakuha niya sa kanila.” (Itutuloy)