Una sa Balita

Ex-world champ Espinosa maniningil

0 377

BALIK sa Pilipinas si former WBA bantamweight ruler Luisito ‘Lindol’ Espinosa.

Habang nasa bansa, maniningil ang da­ting world champion.

Naki­kipag-usap na ang 52-anyos na kampeon mula sa Manila kay Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra para humingi ng tulong sa pagkuha sa hindi pa nakukulektang premyo ng ilang promoter sa kanyang title fight dati sa Koronadal, Cotabato.

“Walang nangyari. Hindi ako nabayaran. Sana ngayon, may makuha na ako.
‘Yun na lang ang hinihintay ko. Sana makuha ko ‘yung pera para makapag-enjoy naman ako sa sarili ko,” sey ni Espinosa sa pagbisita sa 51st ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon kasama si GAB Chairman Mitra.

Kasalukuyan nang fitness trainer sa isang gym sa Dalian City sa China si ‘Lindol’.

“Nag-train ako ng mga tao sa China. Parang sa fitness gym ‘yun trabaho ko ngayon,” dagdag ni Espinosa, na nagretiro na may ring record na 47 win, kabilang ang 26 knockout, at 13 sa karerang tumakbo 1984 hanggang 2005.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More