Una sa Balita

Ex-vice mayor na lider ng kidnap for ransom timbog

0 274

Arestado ang dating vice mayor ng bayan ng Kabuntalan, Maguindanao na isa umano sa lider ng notoryus na kidnap for ransom group (KFR) sa isinagawang joint ope-ration ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, Miyerkules nang hapon sa Brgy. Balabaran Tamontaka, Cotabato City.

Nadakip ang suspek na si Nasser Gumbila Uko, o Nasser Haji Ali, dating vice mayor ng Kabuntalan, Maguindanao at nasa ikalawa sa listahan ng Anti Kidnapping Group (AKG) sa nabatid na lungsod sa ilalim ng Datukan Usman KFRG.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-tres, Miyerkoles nang hapon nang magsagawa ng search warrant ang mga tauhan ng AKG, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Maritme Group laban kay Uko sa bahay nito sa Brgy. Balabaran Tamontaka ng lungsod na ito.

Nakuha sa suspek ang isang 9 mm glock pistol, mga bala nito at iba’t ibang identification card.

Ayon naman kay Police Col. Elmer Cereno, tagapagsalita ng PNP-AKG, ang grupo ng naarestong suspek ay remnant ng kinatatakutang Mubarak KFRG na siyang responsable sa mga kidnapping sa central Mindanao noong 1990’s na ang mga biktima ay negosyanteng Filipino-Chinese na mga negosyante.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy