Una sa Balita

Ex-UST Growling Tiger Kevin Ferrer basketbolistang negosyante

0 1,810

NU’NG bata pa si Kevin Ferrer, badminton ang una niyang nakahiligan.
Pagsapit ng kanyang ikaanim na taon, na-inlab na siya sa paglalaro ng basketball.

Produkto ng UST Growling Tigers sa UAAP at nagmula sa pamilyang naglalaro ng basketball ang 26-anyos na si Ferrer, kasalukuyang player ng NorthPort Batang Pier sa Philippine Basketball Association.

“Nu’ng elementary ako, wala kasi basketball sa school namin kaya ayun nag-badminton ako,” tanaw-balik ng 6’3” forward.

“Pero dahil sa impluwensya ng family ko sa akin sa basketball, ‘yun ang pinursue ko nu’ng high school.”

Taong 2009 hanggang 2010 nang mapabilang si Ferrer sa UST junior basketball team na Tiger Cubs ngunit bigo silang makamit ang kampeonato kontra Ateneo Blue Eaglets katapat ang kasaba­yang si ‘The Phenom’ Kiefer Ravena.

Bigo man kontra Blue Eaglets, tinanghal naman si Ferrer bilang UAAP Juniors Most Valuable Player at UAAP Juniors Rookie of the Year.

Bagama’t maraming unibersidad ang nag-alok kay Ferrer upang ma­ging miyembro ng kanilang basketball team, piniling manatili ni Ferrer sa UST.

Sa loob ng apat na taong paglalaro ni Ferrer sa UST, malaki ang naiambag nito upang makarating ang koponan sa Final Four ng UAAP sa loob ng apat na season kung saan tatlong beses itong nakapasok sa Finals ngunit sa kasamaang-palad, wala silang naiuwing ni isang korona sa Espanya.

“‘Yung journey ko sa basketball up and down. Minsan nasa championship kami.

Masakit sa feeling pero ginawa ko ‘yun motivation para makarating sa PBA,” patuloy nito.

Taong 2016 nang maabot ni Ferrer ang pangarap na maging parte ng PBA matapos itong kunin ng Barangay Gonebra sa isinagawang special draft.

Sa kasalukuyan ay humahataw ngayon si Ferrer bilang miyembro ng NorthPort Batang Pier kasama ang dating nitong coach sa UST na si Pido Jarencio matapos ang makasama sa trade deal na nagdala naman kay Stanley Pringle patu­ngong Gin kings.

q&a

Abante: Sa tingin mo, kung ‘di ka na­ging basketball player, ano ka ngayon?
Kevin: Sa tingin ko businessman, mahilig kasi ako mag-business. Ngayon nga may gym ako, sa future plano ko pa mag-invest sa iba para kapag nag-retire ako balang araw.

Abante: Sino si Kevin Ferrer na hindi alam ng fans?
Kevin: Makulit ako on and off the court. Mahilig ako manoood ng Netflix, ngayon pinapanood ko ‘yung series na Dynasty.

Abante: May girlfriend ka na ba? Kailan mo balak magpakasal?
Kevin: Meron, 5 years na kami pero wala pa, gusto ko mag-ipon muna at maging stable.

Abante: Ano ang dream travel destination mo?
Kevin: Basta kasama ko ‘yung mga mahal ko sa buhay, kahit saan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More