Una sa Balita

Ex-US Defense contractor, kulong sa binuntis na 14-anyos na Pinay

By ,
0 522

WASHINGTON, D.C. — Kulong ng anim na taon ang ibinabang hatol ni US District Court Senior Judge Donovan Frank laban sa dating US Depar­tment of Defense contractor sa Pilipinas na si James Marvin Reed dahil sa kasong child exploitation.

Batay sa reklamo ng US Department of Justice, simula noong Setyembre 2007 hanggang Disyembre 2007, paulit-ulit na nakipagtalik si Reed, 62-an­yos, sa isang 14-anyos na Filipina kapalit ang P1,000 hangang P2,000 na panggatos sa eskuwelahan ng biktima.

Naganap ang kamanyakan ni Reed sa kanyang tinutuluyan sa Castle Peak Tower condominium complex sa Cebu City.

Ayon sa Homeland Security Investigator na nakabase sa US Embassy sa Pilipinas na nagsagawa ng im­bestigasyon, matapos ang pakikipagtalik ng Amerikano sa kanyang menor de edad na biktima ay kinukunan niya ng larawan ang hubad na katawan nito.

At dahil sa paulit-ulit na pakikipagtalik nito sa menor de edad na estudyante, nabuntis nito ang biktima.

Sinuportahan naman ni Reed ang pagbubuntis nito kung saan nanirahan pa ito sa Pilipinas para alalayan ang estudyante sa mga pa­ngangailangan nito.

Pero makalipas ang apat na taon matapos na maisilang ng biktima ang kanilang anak na babae, minolestya rin ng manyakis na si Reed ang kanilang sa­riling anak.

Batay sa medical exa­mination lumalabas na tinangkang ipasok ni Reed ang kanyang ari sa maselang bahagi ng kanyang apat na taong gulang na anak noong 2016.

Inaresto ng mga awtoridad sa Pilipinas si Reed kung saan dineport sa Amerika at isinalang sa imbestigasyon.

Ibinasura ng US District Court ang pangmomolestiya ni Reed sa kanyang apat na taong gulang na anak dahil bukod sa retirado na ito bilang US Department of Defense contractor hindi ito na saklaw sa bagong batas sa Amerika.
Pero puwede daw habulin ng Pilipinas si Reed kung nanaisin ng gobyerno.

Bukod sa anim na taong pagkakakulong isasailalim din sa 15 taong supervised release si Reed matapos ang anim na taong sentensya niya.

Pinagbababayad din ito ng $6,000 o katumbas ng mahigit sa P300,000 danyos para sa menor de edad nitong biktima.