Una sa Balita

Ex-SoKor president 17 taon kulong sa bribery

0 332

BINITBIT na sa kulungan si dating South Korean President­ Lee Myung-bak para simulang bunuin ang 17 taon pagkaka­kulong na sentensiya sa kanya matapos matalo sa apela sa kaso niyang bribery at embezzlement.

Hinatulan itong makulong ng 17 taon ng isang South Korean appellate court dahil sa korapsiyon partikular na ang paghingi ng suhol at embezzlement o fraud.

Maliban sa sentensiyang pagkakulong, pinagmulta rin si Lee ng 13 billion won o mahigit P550 milyon.

Nakulong na si Lee noong 2018 nang hatulan ng 15 taon na pagkakakulong pero pina­yagan siyang makapagpiyansa.

Guilty ang naging hatol sa kanya sa paghingi ng suhol mula sa kompanyang Samsung­ para mabigyan ng presidential pardon ang chairman ng kompanya na si Lee Kun-hee na nakulong dahil sa tax evasion.

Nanilbihan bilang presidente­ si Lee mula 2008 hanggang 2013, ayon sa Jakarta Post. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More