Una sa Balita

Ex-SexBomb dancer arestado ulit sa buy-bust

0 446

HIMAS rehas muli ang da­ting miyembro ng grupong SexBomb Girls at dala­wang iba pa sa buy-bust operation ng pulisya sa San Pablo City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sheena Joana Rono Uypico, 34, dalaga, gayundin ang kapatid nitong si Melrose, 32, at Elmer Panaligan Senoreses, 40, pawang ng nabatid na lungsod at nasa drug watchlist ng pulisya na nasa kategoryang pusher.

Nabatid pa na panga­lawang beses nang nadakip si dating SexBomb dancer Sheena sa kaparehong kaso noong Nobyembre 25, 2018.

Sa ulat ng San Pablo City Police, nasakote ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa Brgy. San Nicolas dakong alas-6:45 nang gabi.

Napag-alaman na isang police poseur bu­yer ang kumuha ng shabu sa mga suspek gamit ang P1,000 marked mo­ney at nagkasundong magkikita sa isang lugar sa nasabing barangay.

Dumating ang mga suspek sakay ng kot­se at nang magkaabutan ng shabu at pera ay agad na silang inaresto ng mga nakaantabay na pulis.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa P40,000 halaga ng shabu at P4,000 cash na pinaniniwalaang napagbentahan ng iligal na droga. (Edwin Ba­lasa/Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy