Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-senator Sonny Osmeña pumanaw na

0 233

Pumanaw na si dating senador at alkalde ng Toledo City na si John Henry ‘Sonny’ Osmeña sa edad na 86.

Kinumpirma ito ng kapatid ni Sonny na si Annie Osmeña-Aboitiz, batay sa Facebook post ni Toledo City Community Affairs and Development Officer Ferliza Contratista, nitong Pebrero 2.

Sabi sa post, alas-2:45 ng hapon nasawi si Osmeña sa kanyang condominium unit sa Cebu City. Agad siyang sinailalim sa cremation.

Hindi pa nilalahad ng pamilya ang sanhi ng pagkamatay ng dating mambabatas na nagtulak sa pagbuo ng Department of Energy.

Matatandaan na noong Hulyo 2020, inanunsiyo ni Osmeña na tinamaan at gumaling siya mula sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.