Una sa Balita

Ex-seaman na galing sa korte tinodas ng tandem

0 370

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang 49-anyos na dating seaman habang sugatan ang isa pang kasamahan nito nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa loob ng kotse sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa nang hapon.

Sapol sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Irving Querubin, ng Sitio Sutonggan, Brgy. Basak ng nabatid na lungsod, habang nagtamo ng tama ng bala sa hita ang driver ng Toyota Vios na si Neil Costavilla, 45.

Naganap ang pamamaril dakong alas-2:15 nang hapon sa kahabaan ng M.L. Quezon National Highway sakop ng Brgy. Pajo ng lungsod.

Bago ito nagtungo sa Lapu-Lapu City hall of justice si Querubin upang dumalo ng hearing sa kanyang illegal drug case subalit ito ay hindi natuloy at iniurong na lang ng ibang araw.

Umalis na ang biktima ngunit pagsapit sa nasa-bing lugar ay dinikitan ng isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaking armado ng kalibre .45 at 9 mm na baril at walang humpay na pinagbabaril ang kotse habang ito ay tumatakbo.

Hindi naman sinaktan ang dalawa pang kapatid na babae ng biktima na nasa loob din ng sasakyan.

Ayon sa pulisya, posibleng target ng mga gunman si Querubin at inaalam pa nila kung sino ang mga suspek. Naniniwala din ang awtoridad na may kinalaman sa kinasasangkutang kaso ng iligal na droga ng biktima ang motibo ng pamamaslang. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy