Una sa Balita

Ex-SB member kalaboso sa iligal na baril

0 245

NADAKIP ng mga awtoridad ang dating miyembro ng Sangguniang Bayan ng Jamindan, Capiz dahil sa pagdadala diumano ng hindi lisensyadong baril at bala.

Sa mismong bahay nito, nahuli ng mga awtoridad si Patricio Vergara Villasis Sr., Miyerkoles nang gabi dala ang search warrant na inisyu ni Regional Trial Court Branch 20 Judge Judith Orindain-Tonogbanua.

Nakuha mula kay Villasis ang .9mm pistol at dalawang bala nito.

Isinagawa ng pulisya ang ope­rasyon kasunod ng natanggap na reklamo hinggil sa indiscriminate gun firing laban sa dating SB member, na sinampahan na ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Laws on Firearms and Ammunition Regulation Act sa Capiz Provincial Prosecutors Office. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy