Una sa Balita

Ex-Samar mayor, 6 pa ‘swak’ sa firetruck

By
0 6

Pitong opisyal ng Guiuan, Eastern Samar sa pangunguna ng dating alkalde nito ang kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa San­diganbayan matapos kakitaan ng probable cause ang reklamo laban sa mga ito ukol sa maanomalyang pagbili ng firetruck noong 2007.

Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa graft law ay sina dating Guiuan Mayor Annaliza Gonzales-Kwan, municipal engineer Arsenio Salamida, municipal budget officer Esperanza Cotin, administrative officer Felipe Padual, market supervisor Danilo Colandog, draftsman Gilberto L­abicane at municipal planning development officer Ma. Nenita Ecleo.

Ayon sa Ombudsman, itinuloy pa rin ng mga respondent ang pagbili ng firetruck noong 2007 na nagkakahalaga ng P1.99M sa kabila ng dalawang magkasunud na bigong public bidding, malinaw umano na nilabag ang Government Procurement Reform Act nang itinuloy pa rin ang procurement nang hindi pa nakakacomply sa procurement law.