Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-radio reporter pinatahimik sa Sorsogon

0 132

Patay ang isang miyembro ng media matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na riding in tandem, Lunes ng gabi sa Barangay Cabid-an, Sorsogon City.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Jobert ‘Polpog’ Bercasio, 39, news show host sa Balangibog TV Online at residente ng Brgy. Buenavista, Bacon District, ng lungsod. Dati ring radio reporter sa Legazpi City si Bercasio.

Sa ulat ng Sorsogon City Police, naganap ang insidente alas-7:55 ng gabi sa XTRM Seabreeze Homes Subdivision, Brgy. Cabid-an sa lungsod.

Lulan ng motorsiklo ang biktima nang dumating ang dalawang armadong suspek na sakay din ng motorsiklo at malapitang binaril ng apat na beses ang una.

Matapos na masigurong wala nang buhay ang target ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na direksyon.

Samantala, isang special investigation task group ang binuo para tumutok sa kaso ng pamamaslang. Inaalam na rin kung may kinalaman ang pagkamatay ng biktima sa kanyang trabaho o personal na away. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.