Una sa Balita

Ex-PM Razak, binawalan umalis ng Malaysia

0 1,358

Pinagbawalan ng Immigration Department si da­ting Prime Minister Najib Razak at asawang si Rosmah Mansor na umalis ng Malaysia.

Bunsod ito ng espekulasyon na aalis ng Malaysia si Najib upang matakasan ang posibleng paghahain ng kaso laban sa kanya kaugnay ng $4.5 bilyong corruption scandal sa statement investment fund 1MDB.

Si Najib ay natalo sa nakaraang general elections sa Malaysia ng koalisyong pinamumunuan ni dating Prime Minister Mahathir Mohammad, at sa edad na 92-anyos ay naging pinakamatandang ruler ng isang bansa sa buong mundo.

Abante Hiring – IT dep

Sa isang Facebook post, binanggit ni Najib na magbabakasyon daw muna siya kasama ng pamilya matapos ang pagkatalo sa nakaraang halalan.

Sa nabuking na flight manifesto, si Najib at ang kanyang asawa ay sasakay umano ng private jet patungong Jakarta, Indonesia.

Itinanggi naman ni Najib na siya ay tatakas, kasabay nang pagsasabing nakahanda siyang tumulong para sa maayos na transfer of power. (AP)