Una sa Balita

Ex-official binalian ng 2 aso

By
0 724

Mas lalo pang lumabas ang pagiging ‘kamote-que’ ng dating mataas na opisyal ng pamahalaan matapos mabalian sa katawan dahil sa kanyang katangahan.

Nakarating kay Mang Teban kung paano na­balian at naipitan ng ugat sa magkabilang braso ang ex-official habang akay-akay ang da­lawang alagang aso nito.

Dahil nagkaka-edad, naging routine ni ex-official ang mag-walking tuwing umaga, kasama ang dalawang naglalakihang aso subalit sa hindi inaasahang pagkaka­taon, biglang tumakbo at nagsalubong ang mga ito.

Sa puntong ito, hindi natantiya ni ex-official ang pagkakahawak sa dalawang aso at nagbuhol ang mga tali kaya naipit sa gitna na ikinatumba nito. Napamura sa galit ang dating opis­yal habang kinakalma ang sarili para makatayo su­balit wala naman puwedeng pagbalingan ng sisi kundi ang sarili nito.

Umuwing lulugo-lug­o ang ex-official at hindi nagawa pang ta­pusin ang isang oras nitong pag-ehersisyo kasama ang dalawang aso dahil sa tindi ng naramdamang sakit sa magka­bilang braso, animoy nabalya sa loob ng basketbal­l court.

Hanggang ngayon, iniinda pa rin ni ex-official ang pambabalya ng mga alagang aso at kahit anong hilot o therapy­ ang gawin, hindi pa rin maibalik sa normal ang kilos at kapansin-pansin na kasama ang buong katawan kapag iginagalaw ang magkabilang braso.

Pintahan niyo na: Nasangkot sa housing scandal si Ex-official at suwerteng hindi niresbakan ng nagdaang administrasyon kahit pa kasing linaw ng mga nagbabagang balita ang ebidensiya laban dito. Meron letrang ‘M’, as in mangyan.