Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-NegOr town vice mayor tinambangan, todas

0 104

Itinumba si dating Negros Oriental town Vice Mayor Kent Zerna Divinagracia sa Barangay Poblacion, Pamplona.

Iniimbestigahan na ng Negros Oriental Provincial Police Office (NORPPO) ang pamamaslang kay Divinagracia na nangyari noong September 9.

Ayon kay Chief Master Sergeant Edelberto Euroba III, public information officer ng NORPPO, nasa sasakyan ang dating alkalde at pauwi na sa bahay bandang alas-8:40 ng gabi nang pagbabarilin ng riding in tandem.

Nadala pa sa ospital si Divinagracia pero idineklarang patay na.

Sabi ni Euroba, isang civil service officer ng bayan, walang anumang banta sa buhay niya na ini-report ang biktima sa pulisya. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.