Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-narco mayor todas sa agaw armas

0 51

Patay ang dating alkalde ng Talitay, Maguindanao na kasama sa listahan bilang narco politicians sa operasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Sa press briefing kahapon ni PNP chief General Guillermo Eleazar, kinilala ang suspek na si dating Talitay, Maguindanao Mayor Montasser Sabal, na nagsilbi noong 2010-2013.

Nadakip din ang anim nitong kasamahan sa Port ng Batangas alas-7:00 ng gabi habang lulan sa isang Ro-Ro Vessel patungong Visaya.

Kinilala ang nadakip pang sina Norayda Nandang, 43; Muhaliden Mukaram, 36; Aika De Asis, 34; Ailyn Compania, 45; Zuharto Monico, 28; at Wilson Santos, 41.

Ayon kay Eleazar, may 2 warrant of arrest si Sabal sa mga kasong illegal possession of explosives at iligal na droga na inilabas ng korte nitong Pebrero 2021.

Nakuha sa grupo ang anim na de-kalibreng baril at nasa 400 gramo ng shabu na P2.7 milyon.

Sumama naman ng matiwasay ang dating alkalde at grupo nito sa awtoridad subalit Huwebes ng madaling araw habang ibinabiyahe patungong Camp Crame ay nang-agaw umano ng baril si Sabal dahilan upang mabaril ito sa dibdib ng isa sa mga pulis.

Nabaril naman ni Sabal ang isang pulis sa agawan ng baril subalit naka-bullet proof vest ito kaya maayos na ang kalagayan.

Ayon kay Eleazar, si Sabal na dating pulis at miyembro ng Special Action Forces at sanay sa Explosive Ordnance Division disposal course ay supplier umano ng baril at mga pampasabog ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at sangkot din ito sa Davao City bombing noong 2016 at isa sa kinokonsidera na high value target.

Ang anim ay nakakulong ngayon sa CIDG detention cell sa Camp Crame. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.