Una sa Balita

Ex-military off’l pinaboran ni Balutan sa lottery — Sandra Cam

0 841

SINOPLA ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam ang boladas ni dating PCSO Chairman Alexander Balutan na may mga makapangyarihan na taong nasa likod ng desisyon ng Malacañang na tanggalin siya sa ahensiya.

“Tell it to the Marines.You have to stick to the issue, punto por punto,” ayon kay Cam.
Sinabi ni Cam na kaya sinibak si Balutan dahil sa napakaraming korupsiyon na ginawa nito sa ahensiya.

“You are the father of corruption sa PCSO,”diin pa ni Cam.

Sinabi ni Cam na pinaboran ni Balutan, dating Marine general ng AFP ang isang opisyal ng military para sa lottery operation permits.

Sinabi rin ni Cam na ang pagtanggal kay Balutan ay daan para matanggalan ng maskara ang lahat ng ano­malya at korupsiyon nito sa PCSO.

Itinanggi naman ni Balutan ang alegasyon pero iginiit ni Cam na dapat na isulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaso kay Balutan dahil ibinigay na sa kanya ng isang PCSO insider ang mga ebidensiya dokumento laban kay Ba­lutan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy