Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-mayor sa Quezon inulan ng bala

0 177

Sugatan ang dating alkalde ng bayan ng Pagbilao, Quezon matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang gusali sa Barangay Bukal, Martes ng hapon.

Isang tama sa mukha ang tinamo ng biktimang si ex-mayor Romeo Potes, 73-anyos, tatay ng kasalukuyang Pagbilao Mayor Shierre Ann Potes-Palicpic.

Nakuhanan pa ng CCTV camera ng gusali ang pamamaril. Base sa video footage, tumigil ang motorsiklo sa harap ng gusali at bumaba ang angkas at naglakad palapit sa nakaupong biktima.

SM food to go Banner Ad

Nang halos isang metro na lamang ang layo, bigla itong bumunot ng maiksing baril at dalawang beses na pinaputukan ang dating mayor at saka mabilis na umangkas uli sa naghihintay na motorsiklo.

Bago umalis, pinaputukan pa ng mga suspek ang dalawang empleyada ng biktima na nagtangkang sumaklolo.

Agad isinugod sa ospital sa Lucena City ang biktima pero inilipat sa isang ospital sa Metro Manila. Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang mga hindi nakillang suspek na mga nakasuot ng jacket at mask. Inaalam pa rin ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.