Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-mayor sa Apayao tinambangan, dedo

0 331

Patay ang dating mayor ng Flora, Apayao na si Richard de San Jose matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang restaurant sa Poblacion West, sa Flora, Apayao Martes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Flora Police Station officer-in-charge P/EMgs. Efren Pelagio, kasama ng biktima ang ilang malapit na kaibigan at nag-iinuman sa harap ng isang restaurant sa nasabing bayan nang may lumapit sa likuran ng biktima.

Dito, biglang bumunot ang suspek ng handgun, at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima sa kanyang likuran.

Nagtamo ng tama ng bala si De San Jose sa likod na tumagos sa kanyang dibdib.

Batay sa pahayag ng mga kasama ng biktima ay nakasuot ng green camouflage ang dalawang suspek na naglakad lamang patakas matapos ang pamamaril.

Inaalam na rin nila kung may kaugnayan sa pagiging Indigenous People’s Mandatory Representative ang pagbaril sa biktima. Agad na dinala sa Flora District Hospital ang biktima ngunit dead-on-arrival ito ayon sa mga doctor. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.