Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-lawyer ni Duterte tinakdang Overall Deputy Ombudsman

0 253

SDC

Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatalaga kay Department of Budget and Management (DBM) procurement director Warren Rex Liong bilang Overall Deputy Ombudsman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Liong, Nobyembre 24. Magsisilbi ito nang pitong taon.

“The Chief Executive in numerous occasions espoused the values of transparency, accountability and efficiency. We are confident that Mr. Liong similarly share these ideals as our quest for good governance remains unyielding and uncompromising,” wika pa ni Roque.

Bago magtrabaho sa DBM, si Liong ay naging parte ng board of directors ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Ayon sa kanyang curriculum vitae na nasa website ng PRA, nagsilbi rin si Liong bilang legal consultant ni Duterte noong Agosto 2010 hanggang Hunyo 2013, noong Davao City vice mayor pa lang ang huli.

Napaulat na tumulong din si Liong sa local political party ni Duterte sa panahon ng kampanya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.