Una sa Balita

Ex-janitor, guwardiya Top 7 sa teacher licensure exam

0 683

PUMASOK sa Top 10 ng katatapos na Licensure Examination for Tea­chers (LET) ang dating janitor, security guard at panadero.

Nabatid na labis ang pasasalamat ni Abzonie Reño sa bagong tagumpay na kaniyang nakamit matapos masungkit ang pampitong puwesto sa LET secon­dary level.

Si Reño ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Secon­dary Education Major in Mathematics at siya ang pinakaunang summa cum laude ng Caraga State University sa Ampayon, Butuan City.

Habang nag-aaral ay nabatid na si Reño ay dating nagtrabaho bilang janitor, baker at security guard.

Hindi naging hadlang kay Reño ang kahirapan at edad upang makatapos ng pag-aaral.

Pasok ang lima pang topnotcher mula rin sa Caraga State University na sina Stephen James Eslana (Top 8) Aibie Jil Cornites at Aicen Cranzo (Top 10) sa secon­dary level.

Habang sa elementary level naman, Top 8 si Jazz Pearl Joy Aga at Top 10 si Ariel John Socorro. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More