Una sa Balita

Ex-Iloilo Mayor Mabilog ipapakalawit sa abroad

By
0 1,930

Kahit magtago pa sa ibang bansa, hindi makakaligtas sa batas si dating Iloilo Mayor Jet Patrick Mabilog.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang press briefing sa Iloilo City.

Sinabi ni Roque na mayroong ginagawang imbestigasyon ngayon ang gobyerno laban kay Mabilog at kahit nakapuslit ito palabas ng bansa ay hindi nangangahulugang lusot na ito sa mga pananagutan sa batas.

Katunayan ayon kay Roque ay umpisa pa lamang ito ng mga magi­ging problema ni Mabilog dahil tumakas ito sa halip na harapin at sagutin ang mga paratang sa kanya kontra iligal na droga.

Isa sa mga opsyon aniya para mapabalik sa bansa si Mabilog ay sa pamamagitan ng extradition kung ang pinagtataguang bansa ay mayroong tratado sa Pilipinas gaya ng Amerika.

“Former Mayor Mabilog’s flight out of the country is not the end of his legal problems. It probably is only the beginning. There’s an on­going investigation I can’t comment. If they decide to file a case, extradition is an option because he is out of the country,” ani Roque.

Si Mabilog ay tumakas palabas ng bansa matapos ihayag ni Pangulong Rod­rigo Duterte na isa ito sa mga narco-mayors at dahil na rin umano sa takot na baka matulad siya kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na itinumba dahil sa iligal na droga.