Una sa Balita

Ex-gov’t off’l pasosyal sa US, wala namang kuwarta

By
0 2,086

Kung hindi lang napuwesto sa gobyerno ay mapagkakamalang manggagantso ang bakasyunista sa US na dating mataas na opis­yal ng pamahalaan.

Sa nakarating na impormasyon kay Mang Teban, kinuha raw ng ex-official ang serbisyo ng isang Pinoy sa Estados Unidos para ipag-drive ito at makapagliwaliw sa nasabing bansa.

Dahil malinaw na dagdag kita ay sinunggaban ng Pinoy expat ang alok ng dating opisyal na ipagmaneho ito.

Sa usapan ay US$300 ang ibaba­yad ng ex-official sa kababayang driver at gagamitin ang kotse ng Pinoy.

Pero nang bayaran na ay laking panlulumo ng Pinoy expat dahil US$100 lamang ang iniabot na bayad ng kausap na dating pinuno ng isang kagawaran ng gobyerno.

Malinaw naman umano ang usapan na US$300 ang ibabayad kaya laking pagtataka nito sa ginawa ng kausap.

Hindi na nangulit pa ang kinontratang driver dahil sa hiya sa ex-official.

Pintahan niyo na. Ang balatubang opisya­l ay paldo noong nakapuwesto sa gobyerno pero na-freeze ngayon ang ku­westiyonable nitong yaman.