Una sa Balita

Ex-governor Joel Reyes ibabalik sa kulungan

By
0 2,886

Hindi papayag ang Malacañang na basta na lamang makawala sa pananagutan sa batas si dating Palawan Governor Joel Reyes matapos ipag-utos ng Court of Appeals na palayain ito sa kinakaharap ng kasong pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na maghahain ng apela ang gobyerno para mabaligtad ang desisyon ng CA.

Makiki­pagpulong umano si Roque kina Solicitor General Jose Calida at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para pag-usapan ang ligal na hakbang upang maibalik sa kulungan si Reyes dahil hindi katanggap-tanggap ang desisyon ng CA.

Binigyang-diin ni Roque na may desisyon na ang mababang hukuman na matibay ang ebidensiyang pinagbatayan ng sentensiya sa dating gobernador ng Palawan.

“The President remains the chief implementor of the laws, the case was filed by the Executive, we have gotten a decision from the Regional Trial Court that the evidence against former governor Reyes is strong, which promp­ted the court to dismiss the petition of bail. We will exercise all legal options to reverse this decision of the Court of Appeals,” ani Roque.

Si Roque ay nagsilbing private pro­secutor sa Ortega murder case na naganap noong ­Enero 24, 2011 at hindi siya makapaniwalang nabaligtad ang kaso.

Humingi umano siya ng pahintulot kay Pangulong Duterte para magkomento sa nasabing isyu at pina­yagan naman nito.

Ayon kay Roque, isa itong ‘kababalaghan’ dahil may nauna nang desisyon ang Korte Suprema na nagsabing mayroong probable cause sa kaso ni Reyes at naipresenta ang mga matitibay na ebidensiya sa korte.

“This is a very sad development for freedom of the press in this country given that the murder of Gerry Ortega is a classic case of extra legal killing since Ortega was both a member of the journalism profession and an activist,” ayon pa sa Kalihim.

Nabatid na sa botong 3-2 ay ipinag-utos ng CA na palayain si Reyes at pinagbawalan ang Puerto Princesa Regional Trial Court na magpatuloy sa paglilitis sa kaso. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy