Una sa Balita

Ex-gov Padaca kulong ng 14-taon

0 574

PINATAWAN ng 12 hanggang 14 na taong pagkakakulong ng Sandiganbayan si da­ting Isabela governor Grace Padaca matapos mapatununayang guilty sa kasong graft at malversation.

Ang kaso ay may kaugnayan sa kuwestiyunableng paggamit ng P25 milyong agricultural fund ng Isabela na inilaan naman sa private entity na Economic Deve­lopment for Western Isabela and Northern Luzon Foundation Inc. na hindi aprubado ng provincial board.

Bukod sa kulong ay pinagbabayad din ng Sandiganbayan Third Division si Padaca ng P18M para sa nawalang rice program ng lalawigan.

Dumalo sa promulgasyon ng kaso si Padaca at inamin nitong hindi niya inaasahan ang guilty verdict dahil wala umano itong ninakaw sa kaban ng bayan.

“Lahat ng P25 million, napunta sa farmers.­ Alam natin kung gaano sila naghihirap, umuutang sila sa mga traders at financiers. Hindi iyon napunta sa akin,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Padaca.

Itinakda ng graft court sa P140,000 ang piyansa para kay Padaca na nanindigang iaapela niya ang desisyon at handa sa legal battle hanggang sa mabaligtad ang hatol sa kanya. (TinaMendoza/Ybes Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy