Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-Gilas player Kemark didribol na rin sa Japan

0 13

KAGAYA ng ilang mga Pinoy basketbolista, aaksiyon na rin sa bansang Japan si former Batang Gilas big man Kemark Carino.

Didribol ang 6-foot-8 cager, naglaro para sa San Beda University ng NCAA, kasama ang Aomori Wat’s ng B.League Division 2.

“We are pleased to announce that Aomori Sports Creation Co., Ltd. has reached an agreement with Kemark Carino for the B League 2021-22 season Aomori Wat’s player contract (Asia special quota). This is the first contract for Aomori Wat’s with the Asia Special Frame,” anunsiyo ng koponan nitong Miyerkoles sa kanilang website.

Magugunita na lumaro si Carino kasama ang Gilas Pilipinas noong FIBA Asia Cup Qualifiers at nakapagtala ng average na tatlong puntos, tatlong rebounds at assist sa 13.6 minuto per game.

Bukod kay Carino, pumirma rin kamakailan sa Japan si Juan Gomez de Liano kasama ang EarthFriends Tokyo Z sa B.League Division 2 team at Javi Gomez de Liano para sa Ibaraki Robots ng B.League Division 1. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.