Una sa Balita

Ex-GF tinodas ng pulis bago nag-suicide

By
0 681

Patay ang isang guro matapos na barilin ng kanyang nakikipagbalikang ex-boyfriend na isang pulis na patay din nang mag-suicide naman matapos mapatay ang biktima sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Police Senior Supt. Restituto Arcangel ng Caloocan City Police alas-5:30 pa ng hapon nang dumating sa inuupuahang apartment ng biktimang si Lyka Jane Arciaga, 28-anyos, teacher sa Kaunlaran Elementary School sa Block 3, Kaunlaran, Barangay 22 ng nasabing lungsod ang suspek na kanyang ex-boyfriend na si PO1 Danilo Roa, 29-anyos, nakatalaga sa Caloocan City Police Community Precinct I at naninirahan sa Libis Espina, Barangay 18 ng parehong lungsod.

Puwersahan umanong sinira ng suspek ang pintuan ng unit ng biktima, ilang sandali pa ay nakarinig na ng sigawan sa pagitan ng dating magkarelasyon ang iba pang mga residente sa lugar hanggang sa makarinig na sila ng nasa pitong sunod-sunod na putok.

Sa imbestigasyon may nadiskubreng mga tama ng bala sa kaliwang pisngi, kanang balikat, dibdib at leeg ang kumitil sa buhay ng gurong biktima habang isang tama naman sa kanyang kanang sentido ang nakita sa pulis.