Una sa Balita

Ex-GenSan vice mayor iproklamang SoCot 1st District cong — SC

0 273

IPINAG-UTOS ng Supreme­ Court (SC) na iproklama si dating General Santos City vice mayor Shirlyn Banas-Nograles bilang duly-elected representative sa unang distrito ng South Cotabato.

Ito’y matapos ipawalang bisa ng SC ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na binasura ang resulta ng ginanap na halalan sa nasabing distrito noong Mayo 13.

Ipinagkaloob ng SC en banc ang petition for status quo ante order na inihain ng kampo ni Nograles matapos suspendihin ng Comelec ang halalan noong Abril 11 sa pamamagitan ng Resolution 10524.

Inatasan ng SC ang Comelec na buuin ang special provincial board of canvassers para iproklama si Nograles bilang nanalong kandidato sa unang distrito ng South Cotabato at ng General Santos City.

Sinuspinde ng Comelec ang halalan makalipas ang isang buwan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11243 kung saan ay gumawa ng lone legislative district sa Ge­neral Santos City. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy