Una sa Balita

Ex-general papalit kay PCSO chair Corpuz

By
0 2,224

Isang retiradong military general ang posibleng pumalit kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Jose Jorge Corpuz na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang linggo dahil umano sa kaniyang kalusugan.

Inihayag ito ni PCSO general manager Alexander Balutan subalit hindi naman pinangalanan kung sino ang ipapalit kay Corpuz bagama’t sinabi nitong mula sa Davao at malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang uupo bilang bagong chairman ng ahensiya.

Matatandaang ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagbibitiw ni Corpuz dahil aniya sa isyung pangkalusugan.

Nilinaw pa sa pahayag ng Kalihim na hindi si Corpuz ang ‘chairman’ na sinasabi ni Pangulong Duterte na nakatakda nitong sibakin sa puwesto dahil sa korapsyon.

“This is to announce that Mr. Jose Jorge E. Corpuz has resigned as chairman and member, board of directors, Philippine Charity Sweepstakes Office due to health reasons. Mr. Corpuz, for the information of everyone is not the person whom the President said he will fire for corruption,” ayon pa sa pahayag ni Roque.