Una sa Balita

EX-DYOWA, AYAW MAKI-COOPERATE SA ‘ANNULMENT’ KAY AKTRES!

By
0 161

Obviously, all’s well na talaga between the actress and her husband. Actually, not naman ex dahil legally, hindi pa sila annulled.

Ang maganda sa aktres at sa asawa nito na ama ng kanyang anak, nauwi sa pagiging magkaibigan at good ­parents ang relasyon nila.

Maging ang relasyon ni aktres at ng bagong girlfriend ng husband niya kunsaan, meron na rin itong anak.

May long time boyfriend na si aktres, ‘yun nga lang, hindi ito mauwi sa kasalan dahil nga hindi pa napapawalang bisa ang kasal.

Ang siste, hindi raw kasi nakikipag-cooperate ang Mister ni aktres sa dahilang hindi niya gusto ang inilagay na ground for annulment which is psychologically incapacitated on his part.

Malaking bagay siguro na maganda na talaga ang relasyon ng mag-asawa ngayon at balita namin, mismong ang kilalang ama ng Mister na raw ni aktres ang kakausap sa anak para makipag-cooperate.

So si­gu­ro naman, ang matagal na ngang hinihintay ni aktres na pagpapawalang-bisa ng kasal niya ay maisasakatuparan na and finally, she’ll be free and of course, be given the chance to marry again.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More