Una sa Balita

Ex-DPWH usec sa  426M road rehab scam tatakbo sa party-list

0 586
 
ISANG dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasangkot sa maanomalyang P426.54 milyong road rehabilitation scam sa Masbate, ang tatakbo sa darating na party-list elections.
 
Base sa listahan ng nominees na isinumite ng Construction Workers’ Solidarity (CWS) Party-list, number one si dating DPWH Undersecretary for regional operations Romeo Momo.
 
Noong 2014, si Momo at iba pa ay kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman kaugnay ng iregularidad sa rehabilitasyon ng national road sa Southern Masbate.
 
Sa affidavit na isinumite ng complainant na sina Romeo Perez Esplana at Evaristo Buenaflor, ginamit umano ni Momo ang kanyang posisyon upang matulungan ang contractor sa pagkolekta ng P426.54 milyong budget ng proyekto, kahit na 17 percent lang ng 27 kilometrong kalsada ang nakumpleto.
 
Bukod sa Masbate road scam, nasangkot din si Momo sa umano’y overpricing ng P700 milyong Iloilo Convention Center (ICC), isang pet project noon ni dating Senate President Franklin Drilon.
 
Base sa pagtaya ni Manuel Mejorada, ­dating provincial administrator ng Iloilo, ang ICC na itinayo noong Nobyembre 2013 ay overpriced nang ha­lagang P488 milyon.
Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More