Una sa Balita

Ex-DPWH usec, contractor tatakbo sa party-list ng mga obrero

0 183

ILAN sa mga party-list organization na sinasabing kumakatawan sa mga obrero ay hindi naman totoong mga construction worker kundi mga kontratista.

Isa dito ang Construction Workers’ Solidarity na ang mga nominee ay sina Romeo S. Momo Sr. (first), c(second), Dionisio V. Toreja (third), Crispin A. Soriano Jr.(fourth) at Tirso Edwin L. Gardiola.

Si Momo ay dating Undersecretary for Regional Operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at naharap sa maanomal­yang road project. Si Momo ay nakasuhan ng plunder dahil sa tinulungan umano nito ang Yakal Construction and Supply Inc. para makolekta ang P426 milyong budget ng 27 kilo­metrong road project sa southern Masbate.

Abante Hiring – IT dep

Lumabas sa pagsisiyasat na 17 porsiyento lang ng proyekto ang ­tinapos ng contractor. Itinanggi na ni Momo ang alegasyon.

Nabatid na si Earel Gardiola ay sinasabing may-ari/co-founder at president ng Lourel Development Corporation at ilan sa mga naging kliyente ng kompanya nito ay ang Batangas City government, Pico de Loro, Hamilo Coast, SM Investments Corp., Department of Tourism at iba pa.

Ayon naman sa Linkedin, si Toreja ang nagmamay-ari ng Toreja Construction Supply Corp.

Habang si Tirso Gardiola, isang contractor din, ay minsang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa mga biniling mamahaling sasakyan.

Hindi umano nagsumite ng Income Tax Return (ITR) si Gardiola noong taxable year 2007 hanggang 2009. Pero mula Nobyembre 2006 hanggang Hulyo 2009, nakabili ito ng BMW 74511, Lincoln Navigator, Le­xus LX470, Volkswagen Coupe, Camry 3.5Q, Land Rover Range Rover 4.2 V8, Land Rover Freelander, Jaguar XKR 4.2 Coupe at KIA Mohave A/T.

Ang mga Gardiola ay kilala sa construction business kung saan minsang lumabas sa report ng Phi­lippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na ang E. Gardiola at sister company na JSG Construction ang top 10 DPWH contractors noong 2008. Kabilang sila sa madalas ma­bigyan ng kontrata noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.