Una sa Balita

Ex-DOTr Usec Chavez inilipat sa BCDA

By
0 143

Muling binigyan ng puwesto sa gobyerno si  dating Transportation Undersecretary Cesar Chavez.
 
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chavez bilang miyembro ng Board of Directors ng Bases Conversion Development Authority o BCDA.

Pinalitan ni Chavez si Jose C. Pallarca sa puwesto.

Matatandaang nag­bitiw sa puwesto sa DOTr si Chavez noong November 2017 dahil sa sunod-sunod na technical glit­ches sa mga bagon ng Metro Rail Transit 3.

Kabilang din sa mga bagong appointee ng Pa­ngulo sina Lorenzo Peñaranda Larion bilang miyembro ng Professio­nal Regulatory Board of Mechanical Engineering ng Professional Regulation Commission, at Nancy Irlanda Tanjuatco bilang isa sa mga board of director ng Land Bank of the Philippines, kapalit ni Rodolfo V. Puno.